Eliza's POV NAIMULAT ko ang aking mga mata sa ingay na naririnig ko. Sa boses pa lang, kilala ko na kung sino 'to. Si Mommy. Nandito na nga pala ako ngayon sa bahay namin. Wala ako sa bahay ni Keanne. "Iha, gising na." Nagkunwari lang akong tulog. Parang ayaw ko pa kasi gumising. "Anak, gising na. May mga bisita ka na sa ibaba." Nanlaki ang mga mata ko ng maalalang birthday ko nga pala. Napabalikwas ako ng bangon. Bakas sa mukha ni mom ang pagkagulat. "Mommy, totoo ba? May mga bisita na sa ibaba? Si Keanne? Nandiyan ba?" halos lumuwa na yata ang mga mata ko sa tuwa. Kumunot lamang ang noo ni mommy. Kaya naman bigla na lang akong nalungkot. Alam ko na ang sagot sa tanong ko. Bakit ko pa nga ba pinapaasa ang sarili ko? Sinabi na nga niyang wala siyang pakialam sa special day k

