Eliza's POV Pagdating namin sa resort, sinalubong kaagad kami ng mga staff. Nakangiting malapad at magalang na bumati sa amin. Hindi na kami nagtagal sa lobby dahil kaagad kaming inasikaso at hinatid sa aming kwarto. Pagkapasok pa lang namin, ramdam ko na ang pagod. Parang gusto ko ng humiga sa kama. Medyo malayo din kasi ito at nakakapagod umupo lang sa byahe. "Nagustuhan mo ba?" biglang tanong ni Keanne sa akin. "Oo, naman." "Bukas na tayo lalabas para libutin ang resort. Kung gusto mo lalabas tayo ngayong gabi." "Hindi na muna siguro. Napagod ako eh!" "Okay, bukas na lang.." Gabi na at dahil gutom na kami ay agad na nagpa-deliver si Keanne ng pagkain. Halata rin sa kaniya ang pagod. Nasa banyo siya nang may kumatok sa pinto. Ako na ang nagbukas. Bumungad sa akin ang may edad

