Umupa ng isang condominium unit si Celeste sa Maynila na malapit sa ospital kung saan dinala si Luther, dito pansamantalang maninirahan si Cassie kasama si Salve. Nang araw ring iyon ay agad na nagtungo si Cassie sa ospital. Sa lobby pa lang ay sinalubong na siya ni Darwin. "Ano kamusta na si Luther, nagkamalay na ba siya?" bungad tanong ni Cassie sa alalay ng kaniyang nobyo. "Umiling si Darwin. "Hindi pa, pero ngayong araw na nakatakda ang operasyon niya," tugon nito. Nanlumo si Cassie, pinanghinaan siya ng loob. Nakausap niya ang doktor na tumitingin kay Luther at ang sabi nito ay nasa kritikal na kondisyon daw ang kaniyang nobyo. Walang kasiguraduhan ang gagawin nilang operasyon kung maisasalba ba nila ang buhay nito. "To tell you honestly, Ms. Montero, while we are studying the c

