CHAPTER 63

1133 Words

Marahang hinawakan ni Tyler ang paa ni Lorraine. Nang makita ang sugat ay napasimangot siya. Ang laki niyon at medyo mahaba. Tsk! Bakit hindi nagsabi ang babaeng ito na nasugatan pala siya kanina pagkatulak ko? "Aray! Masakit, dahan-dahan lang,” impit na sigaw ni Lorraine nang hawakan nito ang paa niya. Ang sakit niyon na tila ayaw na lang niya pahawakan. “Huwag kang gumalaw. Lalong sasakit ito kung maglilikot ka,” anito. Ngunit talagang masakit at halos manginig na ang buong katawan niya. Halos hindi rin niya matingnan ng diresto iyon. "Ang sakit, hindi ko kaya..." aniya na napapaluha na. Tagaktak na rin ang pawis niya dahil sa matinding sakit. Tinaas ni Tyler ang kanyang ulo upang tumingin kay Lorraine. Nang makita niya ang maputla nitong mukha, gumaan ang kanyang mga kamay. "Hind

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD