Alas diyes ng umaga nang makarating si Lorraine sa bahay aliwan ngunit tila wala ng tao roon. Kasunod niyang pumasok ang kasama niyang mga bodyguard. Nang makapasok siya, agad natuon sa kanya ang tingin ng mga babaeng naglilinis sa bar. Lumapit siya sa counter. “Tawagin mo ang boss mo. Mayroon akong ilang negosyo na idi-discuss sa kanya,” wika niya sa salitang Korean. Sa tono rin ng boses animo’y sanay na makipag-deal sa negosyo. "Ma'am, kailangang ipaalam ko muna sa manager namin,” sabi ng waiter na kakaiba ang tingin kay Lorraine. Pagkatapos sabihin iyon ay inilapag na niya ang tasa ng alak mula sa kanyang kamay at lumakad patungo sa kung saan naroon ang sinasabing manager. At habang naghihitay, may isang costumer na kalalabas lang ng pribadong silid, mukha itong inaantok dahil sa pag