Kinabukasan, nagising si Lorraine at hindi na siya nabigla sa nakita. Bagaman medyo naiinis dahil nakapasok parin si Tyler kahit na ni-lock niya ang pinto, wala na rin siya magawa dahil madalas na ipamukha sa kanya na ang buong Harrison villa ay pagmamay-ari nito. Mahimbing pa rin itong natutulog. Marahil din ay dahil sa may sugat pa si Tyler at ayaw pumunta sa kumpanya, kaya siguro hindi pa rin ito bumabangon kahit alas syete na. Hindi na ginising ni Lorraine si Tyler, dahan-dahang inalis ang kanyang kamay na nakayakap sa kanyang payat na baywang at muling niya itong kinumutan. Bumangon na siya at dumiretso sa banyo para maghilamos. Pagkapasok sa banyo s'ya ring mulat ng mga mata ni Tyler. Napanginti siya, para sa kanya, isang napakagandang umaga na naman. *** One month later… Ang m