Three days later… Kagigising lang ni Lorraine. Balak na niyang bumangon dahil sa loob ng tatlong araw na iyon ay nakahiga lang siya sa kama at sumasakit na ang likod niya kakahiga. Sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi rin siya gaano nagkikilos dahil sa sugat niya. Kaunting galaw lang kasi ay kumikirot na. Siguro dahil sariwa pa ang sugat sa loob. "Miss Lorraine, bakit ka bumangon?" agad na tanong ni Manang Nympha ng madatnan niyang tumayo na si Lorraine. "Hindi pa magaling ang sugat mo. Humiga ka at huwag kang gumalaw!" "Manang, kung mananatili pa akong nakahiga, magkakaroon na ako ng kalyo sa likod at baka amagin na rin ako. Sa tingin ko medyo maganda naman ang panahon ngayon. Gusto kong lumabas at magbilad sa init para naman masinagan ang namumutla kong balat." "Miss Lorraine, da