Kalissa Point of View "Wala ka bang trabaho?" Narinig ko ang mahina niyang tawa matapos ko itanong yon. Kakalabas lang namin ng building, naglalakad ako ngayon' para pumunta sa malapit na cafe. Si Blain ayan kanina pa nakabuntot sa likuran ko at bungisngis ng bungisngis. Wala ba siyang trabaho at pu-pwede siyang gumala? "Sabagay Ikaw naman ang Boss kaya walang sisi-sante sayo." tumatango-tango kong sabi nang maalalang siya nga pala ang boss. Nagpatuloy kami sa paglalakad, napansin ko kaagad ang malawak na kalsada. Ang tahimik dahil tanghaling tapat na, mainit pero malilim dahil sa hile-hilerang mga puno sa paligid. Napapikit ako nang dumaan ang hangin pasalubong saamin. Ang kalmado ng paligid, tiningnan ko si Blain. Suot parin nito ang office suit niya, wala siyang necktie kaya hind