"Talaga bang ayos ka na anak?" tanong ko habang inaayos ang nagulo niyang buhok. Nakabalik na kami sa tinutuluyan namin matapos ang nangyari sa Hospital. Hindi narin nagawang makabalik ni Blain dahil sa problemang idinulot ng nag-amok na teacher. "Yes Mom, I'm okay na. Ikaw Mommy? Ayos ka lang ba?" inabot niya ang kamay ko nang itanong yun. Marahan akong tumango bago pisilin ng bahagya ang kamay niya. "No, I'm not okay." malungkot akong ngumiti bago bumuga ng pagkabigat-bigat na buntong hininga. "Iniisip ko parin kung bakit nasabi at nagawa yun ng Uncle Henry mo..." hirap na hirap kong pag-amin kay Karissa. "It's okay Mom, I'm here... That kind of man is not worth it." nakanguso niyang sabi bago ako hilahin at mahigpit na yakapin. "Thank you anak. Mommy is sorry, nararanasan at nakik