-PILIPINAS- Malungkot na pinagmasdan ni Ginang Josephine ang larawan ni Orpheus at napansin ito ni Yvette. "Madam, miss mo na siya?" "Yes. My Orpheus, kumusta na kaya siya doon?" "Bakit hindi ninyo tawagan, madam?" "No, I'm sure na busy siya ngayon. Yvette," sambit ng Ginang sa kaniya. "Bakit po, madam?" "Alam mo, gusto kita para sa anak ko." "Madam, naman! Huwag po kayong magbiro nang ganyan." Biglang nagkakulay rosas ang pisngi ni Yvette, at medyo nahihiya ito. "Seryoso ako, Iha. If ever mawala kami ng asawa ko, Yvette. Puwede mo bang damayan ang aking anak?" "PO?! Dios ko naman, madam! Wala namang ganiyanan! Wala pong masamang mangyari sa inyo." "If ever lang naman. Puwede mo bang maipapangako sa akin?" "Ah … a-e … o-okay po! Pangako po. Aalagaan ko si sir Orpheus para sa