SAMANTALA, nakauwi sina Yvette sa kanilang maliit na bahay. Agad namang sumalubong ang kaniyang tatlong kapatid upang tumulong sa pagdadala ng kanilang pinamili.
"Ate, Ate, may pasalubong po kayo sa akin?" tanong ng kanilang bunsong kapatid.
"Siyempre naman, puwede bang walang pasalubong ang Gabriel namin?" tugon niya sa walong taong gulang na batang lalaki.
"Si Gabriel lang po ba, Ate?" sabat ng sampung taong gulang na kapatid.
"James, siyempre mayroon din para sa iyo."
"Tsaka, Ate. May perfect score ako sa quest namin, dalawa po."
"Naku! Galing talaga ni Gabriel, manang-mana kay Ate. Akin na at bibilhin ko."
Kaya masipag mag-aral ang mga kapatid niya ay dahil sa bawat perfect score nila ay binibili ni Yvette, ng sampung piso bawat isa.
"Ate, ako rin..." masayang sabi ni James, at inabot nito ang apat na pirasong papel.
"Aba-aba! Ubos pala ang pera ni Ate Yvette ngayon!" tugon niya at binuksan ang kaniyang pitaka.
"Ayan------kasi, sinasanay mo!" anang ina nila.
"Nay, okay lang iyan. Ang mahalaga ay nagsisikap sila sa pag-aaral."
"Ate, bayaran na po pala sa iskul. Exam namin bukas," mahinahong sabi ni Annie. Ang kaniyang kinse anyos na kapatid at fourth year high school na ito.
"Huwag kang mag-alala, Ate Annie, makakabayad ka bukas," tugon niya.
"Salamat po, Ate Yvette," nakangito ito.
"Walang anuman."
"Hayaan mo, Ate. Malapit ng matapos ang taon ko sa high school. Maghahanap agad ako ng trabaho para matulungan ko kayo ni Nanay."
"Hindi, Annie. Mag-aaral ka sa kolehiyo, hayaan mong ako ang kumakayod para sa inyo. Basta ipangako niyo lang na magsikap kayo sa pag-aaral para rin iyan sa inyo balang araw."
"Opo, Ate," sabay-sabay nilang tugon.
"Halinga kayo dito, payakap si Ate, na-miss ko ang yakap ninyo eh," aniya sa mga kapatid.
Lumapit naman ang tatlo at sabay-sabay na yumakap sa kaniya.
"Mahal ka namin, Ate," turan ng mga ito.
Napaluha ang kanilang ina habang pinagmamasdan ang apat niyang anak.
"Nay, halika sali ka dito huwag kang KJ diyan," nakangiting sambit niya sa ina. Lumapit naman ito at yumakap sa kanilang apat. Kahit mahirap lang sila ay masaya naman lalo na't nagkakasundo sila.
Pagkatapos niyang magpahinga nang kunti ay naligo na siya upang pumunta sa Charity. Eksaktong alas-tres ng hapon nang siya ay dumating doon. Nasa opisina naman si Ginang Josephine, na kasalukuyang naghihintay sa kaniya. Agad siyang kumatok sa labas ng pinto.
"Come in!"
Dahan-dahan naman niyang binuksan ang pinto." Mandang hapon, madam!"
"Yes, Yvette. Good afternoon! Come here, umupo ka dito."
"Salamat po, madam."
"Iha, payag ka ba na magiging personal assistant ko?" diretsong alok sa kaniya.
"Wow! Assistant po?"
Nangingislap ang mga mata ni Yvette nang marinig niya ang alok ni Ginang Josiphine.
"Yes, my personal assistant."
"Opo! Opo, madam!" Tuwang-tuwa siya at halos, hindi makapaniwala.
"Okay, good! Mag-start ang pasok mo dito ay ten o'clock in the morning until alas-kuwatro ng hapon. Okay ba iyan sa iyo?"
"Okay na okay po, madam! At least mayroon pa akong oras para gawin ang mga paninda namin. Salamat po talaga, madam. Makakaasa po kayo na pagbubutihin ko ang aking trabaho."
"Alam ko iyon, Yvette. Kaya nga ikaw ang nagustuhan kong maging assistant. Starting tomorrow ay mag-start ka na, okay?"
"Sige po, madam. Salamat po ulit."
"Welcome! Sige na, umuwi ka na tapos ipahinga mo iyang katawan mo. Para may lakas ka bukas."
"Opo, madam."
Masayang umuwi si Yvette at dala niya ang excitement sa kaniyang magiging trabaho… .
KINABUKASAN, alas-kuwatro pa lang ng madaling-araw ay bumangon na siya upang maaga niyang masimulan ang pagluluto. Sapagkat ayaw niyang mahuli sa unang araw ng trabaho niya.
Dahil sa konting ingay niya sa kusina ay nagising ang kaniyang ina at bumangon ito, upang silipin kung ano ang ingay na 'yon.
"Nak, ang aga mo namang gumising."
"May pasok na po kasi ako mamayang alas-diyes. Bakit bumangon ka nang maaga, Nay? Ako na ang gagawa nito."
"Tutulungan na kita hindi na ako dalawin ng antok. Anak, wala ka ng pahinga masyado ng bugbog ang iyong katawan.
"Nay, okay lang po ako. Huwag niyo akong alalahanin ha, kasi malakas at malusog itong panganay mo."
"Hayaan mo na ako, Yvette. Mamaya na lang ako matutulog kapag aantukin na."
"Sige po, Nay. Ikaw ang bahala."
Banda alas-otso ay natapos ang mag-ina at may isang oras pa siya para magpahinga. Kaya umidlip muna siya sa pagtulog.
Saktong alas-nuwebe ay nakapag-ayos na siya at hinatid ang mga snacks sa kompanya. Dahil na rin sa bilin ni Orpheus, na kapag pupunta ang dalaga ay agad na itong papasukin. Pinabigyan rin ito ng I.D card as a visitor.
Nang makita siya ni Jessica ay agad na namang umiinit ang dugo nito.
"Bakit ba napapadalas ang pagpunta ng babaeng iyan dito?" nakasimangot niyang tanong sa tatlong kaibigan.
"Bakit hindi mo tanungin si boss?" tugon ni Fralyn.
"Korek! Tanungin mo si boss, girl," pagsang-ayon ni Mae Ann.
"Bakit niyo ba pinakialaman iyong tao? Hindi naman kayo inaano! Magtrabaho na nga kayo!" saway ng kanilang supervisor.
Kumatok si Yvette ng tatlong beses.
"Yes?" boses ng sekretarya at dali-daling binuksan ang pinto.
"Hello!" bati ni Yvette sa sekretarya.
"Hi! Halika pasok!"
"Nandyan si, sir?"
"Oo. Halika!"
"Good morning, sir!" bati agad niya nang makalapit ito sa table ng lalaki.
"Good morning! Have a seat,"
"Ay! Hindi na po, sir. Kailangan ko pong makapunta agad sa charity, alas-diyes kasi ang pasok ko doon."
"Really? Nag-work ka na doon?" And he smiled.
"Opo, sir, assistant po ni madam."
"That's good! I'll take you there."
"Huwag na po, sir. Baka maabala pa kayo."
"No! It's okay… I'm not busy today."
"Mhai, please distribute this."
"Okay." Dali-dali namang lumabas ang secretary.
"Maupo ka muna," alok nito.
"Ummm... gusto niyo ng kape, sir?"
"Yes, please!" walang pakimi-kimi niyang pagsang-ayon.
Pakiramdam ni Orpheus ay masaya siya kapag ang dalaga ang nagtitimpla ng kape para sa kaniya. At hindi niya maintindihan kung bakit.
"s**t! Magkasama na naman sila!" Agad uminit ang mukha ni Jessica sa galit.
Hanggang sa makaalis na sila sa charity at tamang-tama alas-diyes ay naroon na sila. Hindi na naabutan ni Yvette ang kaniyang Nanay, ang sabi ng guwardiya ay umalis na ito at kasama raw ang kapatid niyang babae… .