NANG makarating sila ng opisina ay agad kumatok si Geof. At si Orpheus naman ang nagbukas ng pinto, nagulat ito nang makita ang dalawa na magkasama. "Hintayin mo ako dito, sa labas tayo mag-usap. Come inside, Lalah..." paanyaya niya rito. At nagtaka naman si Geof, kung bakit hindi siya pinapapasok sa loob. Ngunit hindi na ito nagpumilit at hinihintay na lang niya ang kaibigan. "Excellency," bati ni Lalah, at yumukod ito. "Stand up!" "Pinatawag n'yo raw ako, Excellency?" "Yes. But actually, may gustong makikipagkilala sa iyo." "Makikipagkilala? Who?" pagtatakang tanong niya. "Ako!" Sabay lapit ni Yvette. "Monarch!" Muli siyang yumukod upang magbigay galang. Ngunit dali-dali naman siyang pinigilan ni Yvette, upang hindi ito yumukod. "Halika, dito tayo sa sofa," alok niya rito

