"Because I like you. And when I like someone I don't let go." = Dylan Dalawang linggo narin simula ng lumipat si Phil sa Bar ni Easton. Hindi rin naman na din naglalagi si East dahil kailangan nyang pumunta sa bangkok para sa kanilang business trip. Ni minsan ay hindi iyon tumawag sakanya, sya na rin ang umookupa ng stockroom sa 2nd floor dahil para sakanya hindi nya deserve na dun sya mamalagi sa private den ni Easton. "Bring this to room 5." Utos ng mapag malupit na kasamahan ni Phil sakanya at padabog na inabot ang isang bote ng alak at isang order ng Nachos. Inismiran pa sya nito bago sya tinalikuran. Hindi na pinapatulan ni Phil ang mga ganung klase nyang kasamahan dahil paniguradong sila ang magpapahamak sakanya. Room 5. Nasa tapat na sya ng kwarto ng nag order ng alak. Ng akma