bc

Mysterious Man's Proposal

book_age18+
1.3K
FOLLOW
3.6K
READ
arrogant
boss
drama
bisexual
poor to rich
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa pangit na karanasaan niya noong grade school at pagkabigo sa pag-ibig ay tuluyang binago ni Jodan hindi lang ang pangangatawan niya kundi pati na rin ang pag-uugali niya.

Hindi niya gustong maging mahina ulit katulad noon na binubully at kinakaya-kaya lang ng lahat. Dahil din sa pagkabigo sa una niyang pag-ibig, hindi na siya muling sumubok pang pumasok sa isang relasyon.

Jodan become a casanova. Matinik, mahusay sa kama at masahol pa sa pagpalit ng damit kung magpalit siya ng babae. Hello now, goodbye later.

Until Jodan accidentally meet again the man who tormented him before. Hindi niya inaasahan na ang buhay nito noon na masagana ay ibang iba na ngayon. May malaki palang pagkakautang ang magulang nito sa bangko niya at ito ngayon ang nagdurusa.

Gagamitin niya ang kahinaan nito para paghigantihan at pahirapan ito. Pero hanggang saan niya paninindigan ang galit na nasa kanyang puso?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
TINATAPANGAN ko ang aking loob habang naka tingin sa libingan ng mga magulang ko na kakatapos lang tabunan ng lupa. Ang masakit pa, wala ni isa sa mga kaibigan o kamag anak namin ang nakiramay at nakilibing.  Simula nang malugi ang negosyo ng mga magulang ko at mabaon sila sa utang, kasabay niyun ay ang pagbagsak nila ang pagkalimot ng mga taong malapit sa amin.  Namatay sa isang car accident ang mga magulang ko at sinasabing sinadya ang nangyari at hindi isang aksidente. Sa negosyo na meron ang mga magulang ko ay hindi malayong magkaroon ang mga ito ng kaalitan.  Isang lending company ang negosyo ng mga magulang ko. Nitong mga nakaraang buwan, naririnig ko na may nagbabanta na sabuhay nila dahil sa hindi ko malaman na dahilan. Bukod dun, kaya tuluyan kaming lumubog ay dahil nalulong din sa sugal ang mga magulang ko. Ngayong nawala sila, wala sila tinira kahit na ano sa amin ng kapatid ko.  Napatingin ako sa bunso kong kapatid na si Monica nang hilain niya ang laylayan ng suot kong black polo. Lumuhod ako para magkapantay kaming dalawa.  "Yes?" pinilit kong lagyan ng ngiti ang mga labi ko para hindi niya makita ang takot na nararamdaman ko ngayon.  Tinuro niya ang libingan nila mama. "Why did they put mom and dad there?" tanong niya.  Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kaya hindi ako kaagad naka sagot sa kanya. Ano ba ang dapat kong isagot? Sa edad ni Monica hindi madaling ipaliwanag ang lahat.  "They were just sleeping right? Will they also wake up and come home to us?" muling tanong niya na lalo ikinapipi ng mga labi ko.  Nagbuntong hininga ako at marahang umiling. It's better to tell the truth than to lie. Hinawakan ko ito sa balikat at hinaplos ang namumula niyang pisngi.  "Yes. They are just sleeping, but I don't know when we will see them again," sabi ko sa pinaka safe na sagot.  Ngumuso ito at marahan na tumango. "Paano na tayo ngayon? Can we survive without mom and dad?" ang tanong na paulit-ulit ko rin tinatanong sa sarili ko.  Tipid akong ngumiti at marahan na tumango kahit pa wala rin akong kasiguraduhan sa sagot ko.  "We can. Kuya will do anything for us, we will survive, I assure you that,"  Ngumiti na siya sa sinabi kong 'yun na ikinagaan ng loob ko. Kailangan kong magpakatatag para sa kanya.  "Thank you po, Kuya." anito na niyakap ako.  Ginantihan ko siya ng yakap at marahan na hinaplos ang buhok niya. Hinihiling ko lang na sana hindi ito mahirapan sa malaking pagbabago sa buhay namin.  BUMAGAL ang pagbaba ko sa hagdanan nang makita ko si Nana Sabel, na naghihitay sa pagbaba ko. Napatingin ako sa maletang nasa tabi niya.  Nanikip ang dibdib ko dahil unti-onti na silang nawawala sa amin. Nana Sabel is our mayordoma. Itinuring ko siyang pangalawa kong ina dahil palaging wala ang aking ina. Ngayon pati ito iiwan na rin kaming magkapatid.  "Adrian," nasilayan ko ang luha sa gilid ng kanyang mga mata.  Mapait akong ngumiti at ginagap ang kamay niya. "Naiintindihan ko ho, Nana. Wala na ho kami maibibigay na pambayad sa inyo," ito na lang kasi ang naiwan sa mga kasambahay.  Mabilis itong umiling. "Masakit para sakin na iwan kayo. Para ko na kayong mga anak, pero kailangan kong magtrabaho para sa mga anak ko. Pasensya na, Adrian,"  "I told you, I understand. Ako na lang ho ang bahalang magsabi kay Monica,"  Sinapo niya ang aking mukha. "Mag-iingat kayong magkapatid. Kapag kailangan mo ng tulong ko, huwag kang mahihiyang magsabi sa akin ha? Tawagan mo lang ako, agad akong darating,"  Ngumiti ako. "Tatandaan ko po 'yan,"  "Iwasan mo na ang gulo at huwag ka ng babalik sa dating ikaw, Adrian," bilin pa niya.  Napakamot ako sa aking batok. Hindi ko itatanggi na mahilig akong sumabak sa gulo noon. Laman ako parati ng away o di naman kaya lagi akong nirereklamo sa pambubully ko noon. Pero dati na 'yun, kinalimutan at tinalikuran ko na ang pangit kong pag-uugali nang maisilang si Monica.  "Hindi na po, I promise you that," sabi ko na nanumpa pa sa kanya.  "Huwag mo rin kakalimutang inumin ang gamot mo," dagdag pa niya.  "I know,"  "Mabuti kung ganun. Bweno, mauuna na ako baka tangahaliin pa ako sa byahe." Binitbit na nito ang maleta.  "Take care, Nana." aniya na mahigpit itong niyakap.  "Kayo rin. 'Yung bilin ko huwag mong kakalimutan,"  Pinigilan kong maiyak at pilit na ngumiti. "Opo."  Pero habang tinatanaw ko ang papalayo niyang bulto ay isa-isang pumatak ang mga luha ko hanggang sa tuluyan itong mawala sa aking paninpaningin.  Mabilis kong pinahid ang basa kong pisngi nang may pumasok na itim na sasakyan sa tarangkahan ng mansion. Napakunot ako ng noo. Wala akong inaasahan na bisiti ngayon.  Humakbang ako palabas para salubungin kung sino man ang dumating. Isang lalaking naka suot ng itim na coat ang bumaba sa magarbong sasakyan. Hinubad nito ang suot na shade bago siya humakbang palapit sa akin.  "I'm Dyland from Global Lending Company. I'm here to give you this." aniya na iniabot sa akin ang isang brown envelope.  Agad kong nilabas at binasa ang naka sulat sa papel. Halos mawalan na ako ng lakas nang mabasa ko ang nakapaloob doon.  "Dahil sa malaking pagkakautang ng pamilya mo sa Global, ang mansyong ito ay pagmamay-ari na ngayon ng bangko," sabi niya.  Nanginginig ang mga mata kong nagtaas ng tingin sa kanya. "P-papaano kami kung aalis kami rito? Wala kaming ibang matutuluyan—"  "Hindi na namin problema 'yan, Mr. Amado. Bukas na bukas kailangan ninyo nang umalis sa mansyong ito," sabi nito na humakbang na pabalik sa sasakyan nito.  "S-sandali, mister..." habol ko sa kanya. "Wala ho kami mapupuntahan,"  Binaba niya ang salamin at may inabot siya sa'kin na isang calling card. Mask Celvestre... basa ko sa pangalang nakalagay doon.  "You can ask his help. Mga tulad mo ang tipo niya." Ani nto na sinara na ang bintana at mabilis na minaniobra ang sasakyan paalis.  Tinutop ko ang aking bibig habang inis na sinabunutan ng sariling buhok. Malakas akong sumigaw at galit na binalipag ang papeles na ibinigay ng lalaki.  "F*ck this life!" Sigaw ko na tumingala sa bughaw na kalangitan. "Why this happening to us?! Did we dereserve this?! Did we?! Why?! Tell me why?!" Napaluhod ako sa damuhan at walang humpay na inilalabas ang bigat na nararamdaman ko sa dibdib ngayon.  Alam kong naging masama akong anak noon, pero sapat ba 'yun para kami ni Monica ang maghirap at pumasan sa lahat ng pagkakautang ng mga magulang namin? Kung ako lang kakayanin ko, pero kasama ko ng bunso kong kapatid sa problemang ito.  Mabilis na bumaling ang tingin ko sa pintuan nang makarinig ako ng iyak. Monica was there, crying in the door way while holding her favorite Mickey Mouse stuffed toys.  "Monica." Tumakbo ako palapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap.  "I'm sorry... I'm sorry..."  "I-I heard what he said to you, kuya. S-saan na tayo titira ngayon?" humihikbi niyang tanong.  Tinuyo ko ang basa kong pisngi. Kailangan kong maging matapang at matatag para sa kanya. Hindi dapat ako nagpapakita ng kahinaan dahil ako dapat ang magiging lakas niya.  "Huwag kang mag-alala, si kuya ang bahala, okay?"  Marahan siyang tumango at mahigpit akong niyakap. "Opo, kuya."  Kaya ko ito at kakayanin. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
90.5K
bc

NINONG II

read
618.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.0K
bc

NINONG III

read
363.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook