Madaling araw bago mag alas 5 ay andun na agad si Glenn sa bahay nila Chloe upang sumabay kay Mang Joel. "Magandang umaga po." Ang magalang na bati ni Glenn kay Mang Joel. "O, andyan ka na pala. Kumain ka muna at medyo mahaba ang byahe natin." Ang wika naman ni Mang Joel. "Oo nga, kumain ka muna bago kayo umalis." Ang wika naman ni Aling Salud. "Tapos na po ako sa bahay." Ang magalang na pagsagot ni Glenn sa mga magulang ni Chloe.
"O kung ganun e maglakbay na tayo." Ang wika ni Mang Joel habang ito ay humalik sa noo ni Aling Salud at nagpaalam. "Magingat kayo. Yung vitamins mo ay huwag mong kalimutan." Ang maamong paalala ni Aling Salud sa kanyang asawa. "Oo, at maglock kana ulit dyan."ang bilin naman ni Mang Joel sa kanyang maybahay.
Sumakay agad ng tricycle ang dalawa, inalalayan ni Glenn si Mang Joel. "Salamat, anak." Ang wika ni Mang Joel. Napangiti nalang si Glenn at ito ay sumakay sa likod ng driver upang masolo ni Mang Joel ang silya sa loob ng tricycle. Pagdating nila sa bus ay agad na silang sumakay, magkatabi sila sa dalawang magkatabing silya. Nang dmating ang kundoktor na naniningil ng pamasahe ay agad bumunot si Glenn ng pera at nagbayad ito papuntang EDSA Makati dahil dun naman ang sakayan papuntang Tagaytay. "O, ako na ang magbabayad." Ang wika ni Mang Joel. "Ako na po, okay na po yun." Ang tugon ni Glenn. "Salamat." Ang mahinahon ng tugon ni Mang Joel.
"Alam mo, sana ikaw nalang ang maging nobyo ni Chloe, bagay naman kayo at matagal na kayo magkaibigan."ang wika ni Mang Joel. "Naku, magkaibigan lang po kami ni Chloe, magagalit po yun sa akin kapag niligawan ko yun." Ang pabirong sagot ni Glenn. "Sayang din naman kasi ang tagal nyong pagiging magkaibigan, at medyo palagay na ako syo." Ang panghihinayang na wika ni Mang Joel. "Pero kayo po ba sasang ayon? Papayag po ba kayo na ligawan ko po ang anak nyo at mapangasawa ko?" Ang sunod na tanong ni Glenn. "Mabait ka, at kilala ko ang pamilya ninyo, ang mga magulang ninyo. Masipag ka at maalalahanin. Papayag ako, basta ipangako mo na aalagaan mo ang anak ko at hindi mo sasaktan at baka makita mo ang berdugo sa akin." Ang pabirong sagot ni Mang Joel.
"Ang totoo po nyan, ihahatid ko lang po kayo sa trabaho ninyo at uuwi na rin po ako. Gusto ko lang pong makasiguro na ligtas po kayong makarating dun." Ang pag amin na wika ni Glenn. At sya'y nagpatuloy, "Gusto ko rin po sanag magpaalam kung pwede ko pong maging kasintahan si Chloe. Gusto ko rin po sanang maging kabiyak ang inyong anak. Kung papayag po kayo?" "Abay, ihahatid mo lamang ako?" Ang nagtatakang wika ni Mang Joel na medyo kumunot ang kanyang noo. "Opo, nakita ko po kasi kung gaano nabalisa at nagalala si Chloe nun, nahirapan po sya. At mahihirapan po ako kung makita ko sya sa ganung sitwasyon." Ang malumanay at nahihiyang tugon ni Glenn. Tumahimik si Mang Joel at naisip na mahal nga pala ni Glenn ang kanyang anak na si Chloe, para magalala ito ng ganun sa kalagayan ng kanyang anak. "Alam ba ni Chloe na sinamahan at hinatid mo lamang ako?" Ang tanong ni Mang Joel kay Glenn. "Nabanggit ko po sa kanya kagabi ng inihatid ko po sya sa opisina nya." Ang wika ni Glenn sa ama ni Chloe. "Ganun ba? Alam ba nya na may pagtangi ka sa kanya?" Ang muling tanong ni Mang Joel kay Glenn. "Nabanggit ko po nung minsan, pero kayo po ni Aling Salud ang inaalala nya, mahal na mahal po kayo ng anak nyong si Chloe." Ang nahihiyang sagot ni Glenn. "Napaka bait talaga ng anak ko. Anu ba ang plano mo?" Ang wika at tanung ni Mang Joel kay Glenn.
"Balak ko po sanag magtapat sa kanya ng pag ibig sa susunod na buwan, sa birthday po nya. At kung papayag po kayo ay hihingin ko na rin po ang kanyang kamay sa araw din po na yon." Ang nahihiyang pabatid ni Glenn kay Mang Joel. " Abay, baka mabigla si Chloe sa mga iniisip mo." Ang pagtugon ni Mang Joel. "Huwag naman po sana, magpapasaring po ako sa kanya ng madalas bago po sa takdang araw. Sana po ay pumayag sya." Ang malumanay at may pagaalalang tugon ni Glenn. "Hayaan mo at tutulungan ka namin ni Salud sa bagay na yan, ipangako mo lang na aalagaan at mamahalin mo ang anak ko." Ang mahinahon na sagot ni Mang Joel. "Opo, mahal ko po si Chloe, ay gagawin ko po lahat maging masaya lang sya." Ang nakatitig na samata ni Mang Joel na wika ni Glenn. "Sige, iplano mo ang lahat at balitaan mo ako para makapaghanda rin kami ni Salud." Ang wika ni Mang Joel na may ngiti sa kanyang labi. "Talaga po? Salamat po sa tiwala. Huwag po kayong magalala at mamahalin ko po ng higit pa sa buhay ko ang anak nyo." Ang nakangiting sambit na wika ni Glenn. Ung ngiting abot hanggang taenga at sobrang galak sa kanyang loob.
Naging tahimik ang dalawa. Si Mang Joel ay nagiisip kung tama nga ba ang mga nasambit nya at pagpayag sa mga plano ni Glenn. Ngunit naisip nya na nasa wastong edad na ang magkaibigan at maayos ang kanilang mga trabaho at kalagayan. Magkakilala na sila ng lubusan at magkasundo ang dalawa. Sa ginawa ni Glenn sa paghatid sa kanya sa kanyang trabaho ay lalo syang napabilib nito. Ang tanging agam agam nya ay ang damdamin ng kanyang anak. Hindi nya alam kung papayag ito na maging nobyo si Glenn, at sa araw na magtapat ito ay kasalan agad. Sa isip nya,"Hindi kaya isipin ng anak ko na binigay ko lamang sya ng ganun nalang?" Pero naisip din ni Mang Joel na magiging maayos ang kalagayan ng anak nya kung si Glenn nga ang maging kabiyak nito. Napangiti sya ng maimagine nya ang mga itsura ng magiging supling ng mga ito lalo pa't may itsura si Glenn at si Chloe.
Natahimik din si Glenn dahil nagpaplano ito ng mga gagawin nyang surpresa para sa mahal nyang si Chloe. Gusto nya na maikasal sila sa kaarawan nito. Isang buwan nalang mahigit ang layo nito sa kasalukuyan. Inisip nya ang mga papeles, permits, lisensya at kung anu-anu pang kailangan. Naisip din nya na nasa City Hall sya at kilalang kilala si Chloe sa City Hall dahil sa pagdalaw nya madalas kay Glenn at sa mga masayang kuwento ni Glenn sa iba't ibang depatamenti dito. Marami nga ang nagsasabing, sila ang bahala sa mga lisensya kapag sila ang magkatuluyan. Mga biro ng kanyang mga kasamahan sa City Hall. Ngunit tuwing may nagsasambit ng mga ganitong biro ay ngingitian na laman nito at sasabihan ng, "Pangako yan ha!"
Biglang nagsalita si Glenn, "Tito, papayag po ba kayo na kasal na po ang paplanuhin ko?" Sinagot ito ng may gulat at pagaalala ni Mang Joel,"Abah, baka masampal tayo ni Chloe nyan at pinagkaisahan natin ang anak ko." Ang wika ni Glenn. "Kung papayag lang po kayo ay susubukin ko na mapapayag sya sa araw po na iyon." "Baka masaktan ka. Paano kung hindi sya pumayag? Sayang ang pagod at gastos mo." Ang tugon ni Mang Joel na may pagaalala at awa kay Glenn. At kanyang itinuloy ang kanyang sinasabi, "Nararamdaman kong mahal mo ang aking anak, at nais mo syang mapasaya, ang akin lang ay baka mabigla sya at masaktan ka." Ang pagaalala sa damdamin ni Glenn at pagaalala sa damdamin ni Chloe ang isinaalang alang ni Mang Joel sa wikang ito. Malamang dahil sa hindi nya alam ang mga nangyari sa anak nya at kay Glenn habang naghahanap ang mga ito sa kanya. Hindi nya alam ang mga maiinit na tagpo na nangyari sa magkaibigan na ngayon ay magkasintahan na pla ng hindi nya batid.
Sa isip naman ni Glenn ay kung magbunga ang mga ginawa nila ni Chloe habang hinahanap nila ang ama nitong si Mang Joel. Yung ilang beses na nagpursige at nagwagi sya na angkinin at mabuntis si Chloe. Paano kung lumaki at lomobo ang tiyan nito. Sa isip nya, sana ay pumayag si Chloe at si Aling Salud sa mga plano nya, dahil bahagya nyang nakitaan ng pagasa ang pagpayag ni Mang Joel.
Nang makarating sila sa may sakayan papunta ang Tagaytay ay bumaba sila ng bus at lumipat ng sasakyang bus papuntang Tagaytay naman. Pagkasakay at pagkaupo nila ay agad kumuha si Mang Joel sa bag nito ng pera upang sya ang magbayad ng pamasahe nila. Nang bumubunot si Glenn ng wallet sa likod ay pinigilan ni Mang Joel ito at, "Ako na ito anak, ako naman ang magbabayad." Nakangiti itong nagbigay ng pera sa konduktor ng bus. Pagkakuha nya ng sukli ay tumingin muli ito kay Glenn, "Maraming salamat. Pati sa pagtulong mo sa paghahanap sa akin at sa paghatid mo sa akin." Napangiti si Glenn sa mga sinabi ni Mang Joel sa kanya at medyo nakampante ito. Mahal ni Glenn si Chloe, isang bagay na hindi na nya kayang itago pa.
Nagbyahe sila papuntang Tagaytay, nakatulog si Mang Joel habang si Glenn naman ay naglilista sa isip nya ng mga bagay na dapat nyang gawin. Naisip nyang unahin ang mga papeles na kailangan. Ang lisensya, ang mga seminars, etc. Inisip nyang kunchabahin si Jillien na kunwaring magpapasama ito kay Chloe upang magseminar para magkaron ng lisensya. Andun na si Glenn kayat makakasama din sya. Napangiti si Glenn ng maisip nya ang mga gagawin at paraan para sa mga ito. Pati si Bren ay iimbitahin nya. Masayang masaya si Glenn sa mga naiisip nya. Ngunit dahil sa maaga sila nagbyahe ay medyo nakatulog na rin ito hanggang makarating sila ng Tagaytay. Nagpunta sila sa trabaho ni Mang Joel. Ng makarating sila ay niyaya agad ni Mang Joel si Glenn na kumain. "Tara kain na tayo at alam kong gutom ka na rin." Ang paganyaya ni Mang Joel. "Sige po, medyo gutom na nga rin po ako. Ang ganda po pala dito sa resort." Ang tugon ni Glenn.
Napaisip si Glenn kung paanong kasal ang ibibigay nya kay Chloe, hindi pa sapat ang naiipon nya para sa isang malaki at maluhong kasal. Napansin ni Mang Joel at pagiging tahimik ni Glenn at balisa nito. Tinanong nya ito tuloy, "okay ka lang ba? Bigla kang tumahimik, anu nasa isip mo? Baka nagbabago ang isip mo sa anak ko, hindi kita pipilitin ha." Sumagot naman agad si Glenn."Hindi po magbabago ang damdamin ko kay Chloe. Mahal na mahal ko po ang anak ninyo. Naisip ko lang po, baka hindi ko po kayang ibigay ang malaki at maluhong kasal sa kanya. Hindi pa po ako nakaipon ng ganun kalaki." "O edi huwag nalang, hindi mo pala kaya e....hahahahhaa" ang pabirong sagot ni Mang Joel. "Alam mo sa isang magulang, makita lang namin na masaya at maayos ang aming anak ay sapat na yun sa amin. Kilala ko si Chloe, hindi sya maluho at kung ikakasal man sya, paniguradong simple lang ang nais nun."ang nagpatuloy sya..."At kung kami ni Salud ang inaalala mo, okay na yun sa amin."