O L I V I A
Wala akong magawa kung 'di ang magbingi-bingihan at magbulag-bulagan kahit medyo, nakakasakit na sa puso ko. Nakita ko na naman ang una kong pag-ibig na nakikipag-usap sa kung sinu-sinong mga babae. Ang lapad pa ng ngiti niya na mas lalong nakakairitang pagmasdan. Bakit ba hindi ko kaya ang maging gan'un sa kanya kapag maraming tao na ang nakapaligid? Kitang kita ko sila sa kabilang table ng canteen. Sa sobrabg lapit, ang sarap ng lumipat sa ibang pwesto pero punong puno na ang canteen ngayon. Ewan ko ba kung bakit ipinanganak yata akong malas. Kainis.
Gamit ang likod ng aking kwarderno ay nagsimula na akong magsulat ng tula na balak ko sanang isama sa Literary Section ng aming campus paper. Nakalapag din sa mesa ang isang plato ng spaghetti na kakabili ko lang kanina sa counter.
"Huwag ka sana mahulog sa puso n'yang malabo,
Kung ayaw mong masaktan pagdating sa dulo.
Hinding hindi ka niya sasaluhin, 'wag ka ng umasa.
Dahil sa bandang huli ay ikaw rin ang kawawa"
"Hindi ka pa nag-sosorry sa 'kin," muntikan na akong mabilaukan sa kinakain kong spaghetti na kakasubo ko lang. Isang malamig na boses ang aking narinig mula sa aking likuran.
Hindi pa din ako nakapagsalita, nakita ko na lamang siyang nakaupo sa isang bakanteng upuan-kaharap ko.
Gusto kong mataranta ngunit para saan? Simula nang mag-aral ako sa eskwelahang 'to, wala pa naman akong nakakaaway na kahit sino. Lagi akong playing safe sa isang sitwasyon. Kahit ito pa ang kaharap ko, ang nakakatakot at walang kapantay sa kaseryosuhan na si Yosef.
Dali-dali kong isinara ang aking notebook nang mapansin ang kanyang mga mata na d'un naka-focus. At nagtama na naman ang aming mga paningin na siyang kinaiiwasan kong mangyari. Kakaiba kasi ang kanyang mga mata kung tumingin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Halo-halo. May takot. May pagkabalisa. Parang may babala lagi.
Ang lalim ng kanyang mga mata. Kung titingman ko 'yun nang matagal ay baka malunod pa ako. Yumuko na lang ako at pinagmasdan ang spaghetti na kalahati pa lang ang naubos.
Hindi naman siya pangit. Sa totoo lang, isa si Yosef sa mga estudyanteng masasabing may dating. Sadyang hindi ko lang gusto ang aura niya.
Period.
"Big deal ba 'yun kanina?" Sabi ko, nagfi-feeling na okay ang sitwasyong 'to, nagpatuloy ako sa aking pagnguya, "Hindi ko nga sinasadya."
Iwas tingin. Hindi ko kayang tumingin sa kanyang mga mata. Bakit nga ba siya nagalit? Parang bangga lang.
Tiningnan ko si Jared na lihim lang na nagmamasid sa 'ming dalawa ni Yosef. Halatang walang balak mangialam sa aming dalawa. Dahil ba maraming tao? Napasimangot pa ako d'un nang wala sa oras lalo na at tumayo siya sa kanyang kinauupuan at naglakad palabas ng canteen.
Wala talaga siyang pakialam.
Lihim akong nasaktan.
Asa pa ako.
Wala na ako sa mood. "Sabihin mo na ang gusto mong sabihin. H'wag mo ng gawing malaking issue pa ang nangyari kasi nga, hindi ko sinasadya. Kung sorry ang habol mo, sige. Sorry."
Hindi ko alam kung ano ang naging reaksiyon niya sa sinabi ko. Hindi ko na nakita pa ang mukha niya nang bigla na lang siyang tumayo sa kanyang kinauupuan at tumalikod na lang. May saltik yata ang isang 'to. Lalapit-lapit tapos aalis din naman. Naduwag ba siya sa 'kin?
Napangiwi tuloy ako sa naiisip ko. Ang sarap mangarap.
Sinundan ko siya ng tingin. Lumapit siya sa kayang side-kick este nag-iisang kaibigan na si Nato. Kilala ko si Nato dahil lagi kaming nagkakasabay sa jeep tuwing umaga at minsan ay nililibre pa ako ng isang 'yan. Hindi ko alam kung bakit nag-tandem din ang dalawang 'to eh malayo naman sa hitsura ang kanilang mga aura. Si Nato halatang kenkoy pero si Yosef, hindi ko talaga siya maintindihan.
Sa sobrang nakakatakot niya ay halos wala ng mga estudyante ang lumalapit sa kanya at nakikiusap-pwera kay Nato.. 'Yung polo niya halatang hindi ayos. Nakabukas ang lahat ng butones at kitang-kita ang puting t-shirt nito sa loob. 'Yung buhok niya na akala may highlights pero natural ang pagkaroon ng mala-pilak na kulay sa tuwing nasisinagan ng araw. Matangkad din ang isang 'to at halatang athletic ang katawan.
Haay grabe. Bakit ko nga ba siya tinitingnan?
Minsan, hindi ko na din maisip kung bakit pa 'yun ang binoto. 'Di hamak na mas may maibubuga ang aking matalik na kaibigan na si Athea sa nasabing posisyon. Silang dalawa kasi ang parehong tumakbo sa Student Council bilang Vice-President noong nakaraang eleksiyon, tapos sa huli, si Yosef pa din ang nanalo. Ano ba ang mayr'on sa isang 'yun? Di hamak na mas friendly at approachable naman ang bestfriend ko. Kung pataasan naman ng grades ay hindi din naman magtatalo si Athea na running for Valedictorian pa this year.
Gusto kong kumulo ang dugo ko kaso wala din namang mangyayari. Talo si Athea. Panalo ang sira-ulong 'yun.
Syet! Napayuko ako nang wala sa oras nang magtama ang aming paningin. Baka kung ano na naman ang nasa isip ng isang 'yun. Kainis.
Tumayo na rin ako sa aking kinauupuan at pumunta sa office ng mga journalist, "The Sphere." May announcement daw ang aming teacher na nagli-lead sa 'min. Ano naman kaya 'yun? Kakapasok pa lang ng Second Quarter, mukhang may problema na. Ayos naman ang unang released ng school paper. Kaya para s'an naman kaya ang meeting na 'to?
Laking gulat ko pa nang makapasok sa loob at nand'un na si Jared na pasimpleng nakatingin sa 'kin na sinimangutan ko lang. Akala niya siguro, ayos kami. Manigas siya. Walang ingay pero nahuhuli ko ang aking mga kapwa manunulat na sinusulyapan si Jared habang nakangiti. Kinikilig ang mga loka. May naligaw lan dito ay nag-iba na agad ang atmosphere sa maliit na silid na 'to. Tsk Tsk.
At tiyempong pagkaupo ko ay saka naman nagbukas ang pintuan at iniluwa ang seryosong mukha ni Yosef na parang cool na cool pa din ang dating. Nakalagay pa ang pareho niyang kamay sa bulsa ng kanyang pantalon.
Tahimik lang ang mga kapwa ko manunulat sa pagdating niya pero ako, hindi! Pa'no ako tatahimik kung ang dalawang 'to ay nasa loob ng silid na halos 'sanctuary' na ang turing ko. Dito ako nagtatago sa tuwing may problema at dito din ako nagsusulat sa tuwing wala akong makausap.
Ramdam ko din ang tensiyon ng dalawang 'to na napagitnaan pa ako.
Syet!
Saka lang ako tumingin sa bulletin board na may bagong memo pala na hindi ko pa nababasa. Binasa ko ang title nito.
"Urgent Meeting for the New Writers This Year."
Oh my God! Oh my God! Gusto kong magwala. Para na akong naiiyak sa sobrang pagkadismaya sa teacher kong mukhang hindi din nag-iisip. Bakit silang dalawa pa?
Ayoko!
Ayoko!
"Gusto mo ng tubig?" Nanatingin ako nang wala sa oras sa nagsalita. Si Jared pala ang nag-alok at nginitian pa ako. Ano 'to? Nananadya?
Maya-maya pa, napansin ko na lang na wala na ang maliit kong notebook na inilapag ko sa mesa at hawak-hawak na ito ni Yosef. Hindi ko maipaliwanag ang aking kaba basta tumayo na lang ako bigla ko na lang hinablot ang notebook nang walang pasabi. Ito na nga ba ang sinasabi ko eh.
"Rule no. 1," napataas ang boses ko nang hindi sinasadya, "H'wag niyo pakialaman ang gamit na hindi sa inyo."
Napatingin si Yosef sa 'kin na wari'y clueless sa nasabi ko eh. Kainis! Rule ko lang pala 'yun sa sarili ko. Hindi sa buong office na 'to.
"H'wag mo kasi ilalapag kung saan-saan ang gamit mo kung ayaw mong may makapulot."
Napahiya ako.
Talagang napahiya ako.