NANG MALAMAN NI CIARA na bumalik na si Dennis sa kanilang pack. Ang taong inutusan niya para patayin ang dating Luna Queen. At makaharap ang hindi niya kilalang babae sa department store. Agad niya itong pinuntahan. Binabagabag siya ng mga sinabi ng babae sa department store. Parang may alam ito tungkol sa plano niya na pagpatay sa Luna Queen. Hindi niya hahayaang mawawalan ng saysay ang mga plano niya. Matagal na niya itong pangarap. Ang maging isang Luna Queen at hindi niya hahayaang may sisira. Kung kailangan niyang patahimikin ang mga taong may kinalaman sa plano, gagawin niya. "Anong ginagawa mo dito?" Walang emosyong tanong ni Dennis nang pagbuksan siya nito ng pinto. "Kailangan nating mag-usap." Aniya. "Wala tayong dapat pagusapan, Ciara. Umalis ka na." Isasara na sana nito ang

