Fifteen years later ... MAGKA-AKBAY si Dennis at Zade habang pinapanood ang apat na binatilyo na masayang naghahabulan sa malawak na damuhan sa likod ng kanilang bahay. "Quadruplets! Tama na muna 'yan." Natatawang sabi ni Zade. Tumigil naman ang mga ito at lumapit sa kanila. Kanya-kanya ang mga itong magpunas ng pawis maliban kay Zion na nagpalambing kay Zeus na punasan ang pawis nito na agad namang ginawa ng huli. Nagkatinginan sila ng asawa. Labin-limang taong gulang na ang quadruplets. Ibig sabihin ay labin-limang taon ng natutulog si Avery at labin-limang taon na rin ang lumipas mula ng umalis sila sa Cresent Golden Moon Pack. Wala na siyang naging balita dahil hindi na siya bumalik doon. Tumingin siya sa mga batang nasa harapan niya. Noong magkaisip ang mga ito ay wala silang

