Nakasandig si Hope sa lobo ni Zane. Magkatabi silang nakaupo sa dalampasigan habang pinapanood ang paglubog ng haring araw. Napakaganda nitong panoorin. Habang nakatingin sa sunset ay naaalala niya ang mga nangyari sa buhay niya. Parang isang pelikula. Kung hindi kaya sila tumakas ng kuya niya,nakilala niya kaya si Zane? Nalaman kaya nila ang tunay nilang magulang? Nalaman kaya nila ang mga dapat nilang malaman? Napapangiti na lang siya habang naaalala ang mga 'yun. Ang mga kapatid niya, ayun may kanya-kanya ng buhay kasama ng mga mate nila. They're happily married. Ang Ate Nicole niya ay nakatira na sa palasyo dahil mate nito ang Gamma. Ang Kuya Nicolai niya, umuwi sa Pilipinas kasama si Cassy para doon na manirahan kasama ang kanilang ama at si Mommy Nikki. Ang K
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


