Maingat na inilapag ni Hope ang dala nila ng kapatid niyang bulaklak sa lapida ng kanilang ina. Inakbayan siya ng kapatid. Ilang minuto pa sila nagtagal duon bago sila umalis ng memorial park. "Where to?" "Cresent Golden Moon Pack." Aniya. "I'm worried about Zane,k uya." "Okay." Sabi ng kuya niya at pinaharurot ang kotse. Walang Zane na dumating kahapon. Hinintay niya ito pero hindi ito dumating. Kagabi pa siyang hindi mapakali. Nararamdaman niyang may nangyari dito. Hindi niya lang alam kung ano. Tinatawagan niya ito pero hindi naman nito sinasagot ang tawag niya hanggang sa nag-unattended na ito. Ang Ate Nicole naman niya ay pumunta sa Cresent Golden Moon Pack para dalawin ang mate nito at isa rin na hindi niya matawagan. Ang Kuya naman niya,nag-aalala rin

