Chapter 15

1499 Words
Dino Sa kahaba haba ng paglalakad namin sa wakas na kita narn namin ang matagal na namin hinahanap. Pag dating namin sa nasabing lugar na patulala lang kami dahil sa mga nakita namin. At hindi ko lubos akalain na may ganito palang lugar na nakayo dito sa isla. "Guys ang ganda dito." wika ni Kriss na hindi paren makapaniwala sa nakikita niya. Ang daming mga bahay na magaganda kahit gawa lang ang mga ito sa kawayan at mga tagpi tagpi mga dahon ng buko. Hindi ko lubos ma isip kong paano nila na gwa ang mga to. "Oo nga Kriss pero bakit wala mga tao sumalobong satin?" nagtataka tanong ni Merry Ann habang hindi mapakali sa katitingin sa paligid. "Oo nga bakit hindi ko yon naisip. At isapa na saan naman ang mga tao?" sumbat naman ni Bern. Tinignan ko lang ang paligid. Oo nga ni isang tao wala sumalobong samin at isapa bakit wala mga tao magdidilim na. Dahan dahan kaming lumapit sa isang bahay na kong saan may naka sabit na sulat sa itaas ng pinto nito. "Maligayang pagdating sa Baryo Dugo "bigkas ni Teddy habang nakatingin ito sa nakasulat. "Tao po may tao po ba dito?" na patingin ako ng magsalita si Marie sabay katok ng pinto at sa pangalawang katok nito ng bigla mubukas ang pinto. Isang ma tanda babae ang bumongad samin kaya na paatras kami ng kaunti. Tinignan ko lang mabuti ang mukha nito. Kakaiba ang mukha niya sa mukha ng matatanda sa Maynila. "Pasok kayo dito bilisan niyo dahil magdidilim na." wika nito at agad na siyang pumasok. Nagtinginan lang kaming pito at na pa isip kong papasok ba kami o hindi kasi sa nararamdaman ko iba ang kutob ko sa matanda. "Ano pang hinihintay natin tara pumasok na tayo." wika ni Merry Ann at na una itong pumasok. "Tara na narinig niyo naman siguro ang sinabi ng matanda." wika ko at agad na akong sumonod kay Merry Ann. Ganon na lang ako na panganga ng makapasok na ako sa loob ng bahay. Masasabi ko talaga na kong ano ang ikinaganda ng labas mas maganda ang nasa loob. Tinignan ko lang ang mga kasamahan ko at ganon rin ang kanilang naging reaction. "Lola hindi naman po kayo nagsasabi na maganda pala yong bahay niyo dito." wika ni Bern habang nakaupo ito "Oo nga lola maganda po, yong kulay ng bahay niyo sakto sakto lang sa kulay ng ding ding niyo tapus kumplito pa kayo sa gamit kahit ganito lang ang bahay niyo." wika ko. Ngayon lang buong buhay ko nakapasok ako sa gamitong bahay. "Lola pwedi bang magtanong sino po ang kasama niyo dito at bakit po wala ng tao sa labas." nagtatakang tanong ni Teddy. Ako dapat ang magatanong non kaso na unahan niya lang ako. Tinignan ko lang si Lola habang dahan dahan itong umoopo sa isang malabot na upoan na gawa sa bulak ng isang puno. Nakatitig lang kami sa kanya habang hinihintay itong magsalita para kasing hindi kami lahat makapaniwala na kahit isang tao man lang ay walang sumalobong samin.   "Paano ko bato ipapaliwanag sa inyo." wika ni Lola at napakamot pa ng ulo.  "Ikwento mo na lang samin." wika ni Nobert. "Ganito kasi yon. Bakit walang tao ang sumalobong sa inyo dahil natatakot kami na baka maulit muli ang nang yari noon. Naalala ko pa nga kong paano kami pinalayas ng mga tao sa labas sa sarili namin lupa para lang patayoan ng sarili nilang bahay para sa mga taong dadayo dito." wika ni Lola habang isa isa kami tinitignan. "Hindi kami non makalaban sa mga lupain namin dahil wala kaming kakayahan. Baril laban sa itak wala talaga kaming kalaban laban hanggang sa isang sa amin ang namatay dahil kumilos siya ng mag isa, kaya tuwing sasapit ang dilim dito wala ng taong lumalabas dahil takot ang lahat, at isa pang rason kong bakit wala ng tao dahil may isang babae dito gumagala tuwing gabi, ng ngunguha siya ng mga tao at pinapatay niya ito." wika pa ni Lola kaya nag tinginan kaming lahat Pero sa unang sinasabi ni Lola parang nagtutugma sa mga sinabi ni Lolo sakin nong ginagawa pa lang nito ang resort dito. May mga tao daw na away pang umalis sa lupang binili niya at para mag wakas na ang lahat at makuha na niya ang lupa isa sa mga taga rito ang pinatay nila para ma kuha ang lupa at ganap na mapaalis nila ang mga tao. Sila pala ang mga tao na umaangkin ng lupa na binili ng Lolo ko at pinapana sa Papa ko. "Lola pwedi mag tanong?" wika ni Bern. "Ano yon?" wika naman ni Lola. "Lola yong sinasabi niyong babae na kumukoha ng tao at pinapatay nito sino po siya at bakit niya yon ginagawa?"  "Gusto yong bang marinig ang kwento niya. Mabuti pa doon tayo sa kubo." wika ni lola Agad ng tumayo si Lola sa kinauupoan nito at nan laki ang mga mata namin ng may biglang sumolpot na babae sa tabi niya. Kasing idad rin namin ang babae. "Hito pala ang apo ko si Cristyl." wika ni Lola sabay turo ng apo niya pero hinirapan lang kami ng apo niya. "Guys ano na." wika ni Nobert. "Ang plano ngayon ay huhulihin natin ang babae." wika naman ni Teddy "What! Nahihibang na ba kayo, pumapatay siya ng tao." wika ni marie "Tama na nga yan nagaaway na naman kayo. Ang mabuti pa sundan na natin si Lola tapus alamin natin ang kwento nong babae. Tapus hahanapin natin ang babae para matigil na siya sa ginagawa niya may kutob kasi ako na siya rin ang pumatay sa kaibigan natin." wika ko.  Sa mga sinabi ni Lola kanina parang tumutugma lahat, kaya na pa isip na ako na baka ang babaeng tinotokoy ni Lola ay siyang pumatay sa dalawang kaibigan ko. Nagtinginan lang kaming lahat sa wakas na gets narin nila kong ano ang ibig kong ipahiwatig. Nagsimola na kaming maglakad minabuti namin na iwan mo na ang mga bag namin sa bahay ni Lola. Ng makarating kami sa kubo na papanganga kami lahat ng makapasok na kami sa loob. Bumongad samin mga mata ang isang napakahabang lamisa na may sampong upoan at napapalibotan kami ng napakaraming libro kong saan gawa ito sa mga lumang papel. Umopo na kami isa isa. Tahimik lang kaming lahat ni walang gusto magsalita samin kasi namamangha talaga ang mata namin sa mga nakikita namin sa paligid. "Lola ano na po yong kwento sa babae." nagtatakang natong ni Merry Ann. "Sandali lang, Cristyl kumoha ka mo na ng makakain nila kasi alam kong gutom na ang ito." wila ni lola at agad ng umalis ang apo nito sa tabi niya. "Yes foodsss... Gutom na talaga ako." wika naman ni Kriss. "Hito kasi yon. Nong hindi pa nadidiskobri ang islang ito at wala pang ma siyadong tao. May sampong magkaibigan ang nag camp dito at kasama nayo ang babaeng pumapatay. Sa na aalala ko lang. Ang babaeng pumapatay nayon ay sinapian ng demonyo at isa isa nitong pinatay ang mga kaibigan niya." wika ni Lola. "Eh Lola bakit naman niya pinapatay ang mga kaibigan niya." wika ko. "Dahil sa mga secreto niya na unti unti ng ibinubonyad ng mga kaibigan niya. Kaya ayon nag pakamatay siya pero muli siyang na buhay sa tulong ng demonyo sumapi sa katawan nito. Para hindi kumalat ang secreto nito na tangin mga kaibigan niya lang ang nakakaalam ay isa isa niya itong pinatay " wika pa ni Lola. At napatulala na lang ako habang iniisip ang mga sinabi ni Lola. Hindi naman sa nagtataka ako pero para kasing nagtutugma ang ang isturya niya sa isturya namin nga magkakaibigan. Pero posibli naman yon mangyari dahil segorado akong patay na ang babaeng pinaka mamahal ko at ano naman kaya ang secreto niya. "Ganon po pala Lola." wika naman ni Bern. "Oo ganon na ang ng yari kaya hanggang ngayon hindi parin nakikita ang babae na kumitil sa mga kaibigan nito. Sa mga sabi sabi malayang nakaka gala ang babae dito sa isla habang dala ang manika nito na naka sabit sa kanyang liig." wika pa ni lola.  Napanganga kaming lahat ng tinginan kami. Parang alam ko na ang gusto ni lang ipahiwatig sakin pero paano? Kumonot na lang noo ko ng magkatinginan kami ni Marie. Posibli siya rin pomatay sa mga kaibigan namin. -- Someone Ang ganda nilang panoorin. Grabi paniwalang paniwala sila sa mga pinagsasabi ng matanda pero totoo naman ang lahat ng yon. Tinignan ko lang sila habang masaya silang nagkukulitan. Humanda kayo dahil bukas na bukas isa na naman p*****n ang gigimbal sa inyo. "Hoy baka mahuli ka nila dyan."  "Anong mahuli tumahimik ka na nga dyan." wika ko "Tama ang sinabi niya, tumahimik ka baka na kakalimotan mo na ako ang nagbigay ng buhay sayo." Agad ko ng nilisan ang kubo baka ma kita pa nila ako. Humanda kayo dahil bukas na bukas matitikman niyo na naman ang sakit, pait at paghihiganting gagawin ko, mamatay kayong lahat  sa mga kamay ko. ---- 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD