Jane's POV Kakatapos ko lang maligo at humarap ako sa salamin. Sinuot ko ang kwintas na binigay ni Hans. Ika-apat na araw na namin bilang in a relationship at napapangiti ako kapag naalala ko ang bawat reaction niya tuwing kinikilig siya. Nagbihis na ako at kinuha ang maleta ko para ilagay ang mga shampoo at sabon ko. Napatingin ako sa isang bulsa kung saan ko tinago ang kwintas ni Drick. Kinuha ko iyon at tiningnang mabuti. Bumuntong hininga ako at muling itinago ang kwintas. "Wala na talaga.." sabi ko sa sarili ko. "I wonder what happened to you?" Umiling iling ako at inalis na siya sa utak ko. Sinara ko ang maleta ko at hinawakan ang kwintas ko sa leeg. I smiled while looking at it. Biglang may kumatok sa pinto at pumasok naman si Hans. "They've left already. Sumunod na lang