Jane's POV Second day na namin ngayon sa Cebu at heto 10 pm na nang gabi at nag-umpisa na silang mag-inuman. Hindi ako uminom pero nakiupo lang ako sa kanila at nakikinig sa kani-kanilang kwento. Hanggang sa mapansin kong nakatulog na si Hans sa sofa. Hindi din siya nakisali sa inuman. Tinitigan ko siya. Mula sa mahaba niyang pilikmata, mapupulang labi, matangos na ilong, at makinis na balat. Nangingibabaw rin ang buhok niyang tila kumikintab sa sobrang dulas at tuwid. Kung tutuusin, sobrang gwapo ni Hans na pwede mong ihanay sa mga artista. Naging mabilis ang oras at unti-unti nang umiingay ang lahat dala ng kalasingan. "Hala!" sabi ko nung biglang tumayo si Leo at natumba. Bigla siyang tumawa. "Hindi naman masakit. Hehehe.." Natatawang tiningnan ko siya na muling tumayo at p