Nalugod ang puso ni Darius. Napagtantong napakaswerte niya sa kaniyang asawa, napakaganda nito sa kabila ng pagiging hands on nito sa anak. Hindi niya tuloy maiwasang titigan ito habang pababa sa hagdan lalo pa at kita sa labi nito ang matamis na ngiti. Nang makababa si Kendra at nakalapit sa asawa ay kitang nakatulala ito sa kaniyang mukha. "Let's go, babe," untag dito at doon lamang ito tila nagising mula sa pagkatitigal sa kaniya. Agad na kumintal ang matamis na ngiti sa labi nito. "Okay, babe. Let's go," anito sabay hapit sa baywang niya gamit ang isa nitong kamay habang ang isang bisig naman ay kalong ang kanilang anak. "Ma'am, ito na po ang gamit ni baby," ani ng yaya ng anak. Nakaugalian kasing kapag aalis sila ay hindi ito dinadala dahil kaya naman na niyang mag-isa. "Okay, sal