"Okay, fine. Samahan mo na lamang ako, Eloisa," aniya sa isa sa taga-bantay niya. Wala naman siyang magagawa dahil nasa asawa ang loyalty ng mga ito dahil ito ang kumuha sa kanila. "Okay po, Ma'am. Saan po ba tayo pupunta?" tanong nito. "Gusto kong pumunta sa sementeryo!" aniya rito. "Sementeryo po?" maang nito na tila hindi inaasahan ang sinabi niya. "Oo, gusto kong magluksa," aniya rito at nakitang napakunot ang noo nito marahil ay nahihiwagaan sa nais niyang ipakahulugan. "Ano pong, ibig niyong sabihin?" maang na tanong nito. Doon ay ngumiti siya na mas lalong kinabahala nito. "Nagbibiro lang ako, let's go! Gusto kong pumunta sa mall ngunit dadaan muna ako sa condo ng Sir mo dahil may kukunin ako doon," kaila rito. Gusto niyang malaman kung may alam din ba ang mga ito sa sekretong