“Sa tingin ninyo ay matatakasan niyo ako? Nagkakamali kayo! Akin ka Christiano, akin!” halos padabog na wika ni Pauleen nang kinabukasan ay wala ka roon sila Erika at Christiano. Mas lalong nagngingit ang loob ng makita sa files na nasa ospital ding iyon si Kendra, ang babaeng umagaw kay Christiano sa kaniya. Hawak ang ilang records na nakuha ay mas lalo siyang nagngalit. “Anitha Kendra Singson Mauritius,” basa niya sa ngayon pangalan ng babaeng sumira ng buhay niya. Nang maya-maya ay natigilan ng maalala ang batang babae sa tabi ng anak ni Christiano. “Darlene Annecka Mauritius,” aniya sa pangalan ng bata. Napangisi na naman siya. Mukhang move on na ang mga ito sa kani-kanilang buhay habang siya ay naiwan sa dilim at hanggang ngayon ay nag-iisa. “Hindi kayo maaaring sumaya!” aniya saka