Pagdating ni Darius sa bahay nila ay nakita ang yaya ng anak at ang Mommy niya na nagbabantay sa anak. Napakunot-noo siya at agad na tinanong ang ina. “Mom, where is Kendra?” tanong dito. “Ah, umalis lang saglit anak. Babalik din daw agad,” turan ng ina na masayang nilalaro ang anak. “Saan daw pupunta?” hindi mapigilang itanong sa ina. Maaga kasing natapos ang meeting niya sa labas kaya imbes na bumalik sa opisina ay umuwi na siya. “Sabi ay bibilhin lang daw,” tugon ng ina. Mas lalong napakunot ang noo niya. Alam ng asawa ang panganib sa labas tapos lalabas itong mag-isa. Akmang tatawagan na ito nang mabalingan itong papasok sa loob ng kanilang bahay. Agad itong natigilan nang makita siya. Mabilis na binaba ang cellphone na nakadikit na sa kaniyang tainga at matiim na nakatitig dito.