bc

Sangre 10: Devey Rivas; My Stupid Lover (Filipino)

book_age18+
2.2K
FOLLOW
4.8K
READ
dark
family
love after marriage
arranged marriage
arrogant
badboy
twisted
bxg
mystery
first love
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Rated 18

This novel strictly not suitable for minor readers.

ELLA living like a princess, the only child of her parents. She got what she wants, attention, and fame. But everything has changed when her parents decided to go back to the Philippines. Nabago rin ang environment niya, nasira ang pantasya niya dahil sa estupidong kaklase niyang lalaki na si Devey Rivas. Wala itong ginawa kundi asarin siya at laitin.

At sa paglipas ng mga panahon, sa muling pagtatagpo nila ay tila gusto rin nitong sirain ang pangarap niyang love story, kasama ang gusto niyang lalaki, si Jero Harley, ang heartbreaker ng campus, na kanyang superhero. But Jero didn’t care about her feelings.

And who cares that a naughty, stupid, Devey Rivas will save her and her family from struggle and poverty. Dahil sa kapusukan nito ay pinagkasundo sila ng mga magulang nila para sa isang agarang kasal. But it was not just their parents’ decision, Devey desires to marry her, and that made her confused. May trust issue na siya rito kaya paano na? Deal or no deal?

chap-preview
Free preview
Prologue
Identity: Name:    Devey Rivas Age:       27 years old Height:  5’11’ Eyes:      Light brown Favorite Color: Red/Black   Special Ability: He can control fire or elements that produce heat. Short Profile: Devey was the first daywalker vampire who grew up in the  Philippines. He is the eldest son of Dario, the founder of Sangre Organization. He studied BS in Forensic Science and working for his Dad’s organization. Devey is not an ordinary vampire because of his unique ability and power. His ability to use fire elements was inborn and he got this from his great grandmother, Gracilla, the ancient vampire and known as ‘The Goddess of Fire’. Dario offered him to the Vampire Lord and requested to give his grandmother power to Devey, and he successfully granted it. But Devey lives like a normal kid as her mother desired for him. He was the most dangerous vampire and their enemy avoiding him. He was a curse for other vampires because he was born to kill them. Dario planted a solar stone in his nape, as his secret weapon against his mortal enemy, and Devey didn’t care about it. He was easy-go-lucky, playful, and naughty.             Prologue   UMUGONG ang kampana ng simbahan na hindi pa natatapos ang seremonya para sa mga mag-aaral ng St. Sebastian High School. Kasalukuyang nagaganap ang communion ng mga estudyante. Nagtatakbuhan na palabas ang ilang estudiyante matapos edeklara na may naglabasang malalaking ahas sa loob ng simbahan. Dahil sa takot ay hindi na nabitbit ni Ella ang shoulder bag niya, basta na lang siya tumakbo palabas ng simbahan. Hindi na niya mahagilap ang mga kaklase niya. Nagsiksikan na ang mga estudiyante sa gate sa kagustuhang makalabas kaagad. Nang makita niya ang malaking ahas sa kanyang likuran ay bigla siyang nanigas. Hindi na niya maihakbang ang kanyang mga paa. “Papa!” tanging naisigaw niya, ngunit lalong papalapit sa kanya ang ahas. Manilaw-nilaw ang kulay ng ahas at mataba ang katawan. Bilugan ang ulo nito. Ipinikit niya ang kanyang mga mata nang pakiwari niya’y tutuklawin na siya ng ahas, subakit may malakas na brasong namulupot sa baywang niya at tinangay siya palayo sa ahas. Hindi na niya maramdaman ang sahig, nakangat na kasi siya. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay dibdib ng isang lalaki ang namataan niya, at umagaw sa pansin niya ang suot nitong pendant na nakasabit sa gold necklace nito. Tumatakbo ang lalaki hayang karga siya, kaya hindi niya masipat ang mukha nito. Nakasubsob na ang mukha niya sa dibdib nito. Ang lakas nito, mabilis tumakbo kaya nahihilo siya sa lakas ng pag-alog ng katawan niya. Nakatitig pa rin siya sa pendant na suot ng kanyang superman, isang simbulo ng agela na pinuluputan ng itim na ahas, at hawak din ng mga kamay ng agela ang katawan ng ahas. At sa itaas ng simbulo ay may nakaukit na litang ‘J’ at ‘H’. Mamaya ay bigla siyang nabitawan ng lalaki matapos itong bungguin ng kung sino. Pero mabuti na lang sa mayabong na damuhan siya nito nailaglag. Ang alam niya malayo na sila sa simbahan dahil iilan na lang ang mga taong nagtatakbuhan. Nang mahimasmasan ay tumayo siya. Hinagilap niya ang lalaking tumulong sa kanya. “Ella!” Marahas siyang pumihit sa kanyang likuran. Nagningning ang mga mata niya nang makita si Jero, suot nito ang bughaw na sport jacket na palagi nitong suot sa campus. Bughaw ang damit ng lalaki na bumuhat sa kanya. At walang ibang lalaki sa paligid niya kundi si Jero. Halos magkanda-dapa siya sa pagtakbo palapit sa binatilyo. “Salamat, Jero. Ano, nasaktan ka ba?” sabi niya rito nang mahkaharap na sila. Hindi siya sinagot ni Jero, “Ano’ng ginagawa mo rito?” sa halip ay tanong nito. “Ha?” maang niya. “Bakit hindi ka pa tumatakbo at umuwi sa inyo? Sino pang inaasahan mo na susundo sa iyo? Nagkakagulo na sa buong bayan!” sermon pa nito sa kanya. Hindi niya ito maintindihan. “M-mag-aabang na ako ng sasakyan. Pero salamat sa pagsagip sa akin, ah?” sabi na lamang niya. Hindi lamang umimik si Jero. Habang lulan siya ng jeep ay panay ang tawag niya sa papa niya gamit ang kanyang cellphone. Hindi pa rin siya nito sinasagot, kahit ang mama niya, wala ring sagot. Pagdating niya sa bahay nila ay nagtataka siya bakit inilalabas ng mga tao ang mga gamit nila. “Manong, ano pong nangyayari?” tanong niya sa lalaki na nagmamando sa mga kalalakihan. “Binabawi na po ng bangko itong bahay ninyo. Ilang buwan na kasing hindi nagbabayad si Mr. Kim sa housing loan niya,” tugon ng lalaki. Bigla siyang nanlumo. Saan na sila titira? Pinuntahan na niya sa opisina nito ang papa niya. At isang masamang balita ang tuluyang gumuho sa masayang mundo niya. Nadatnan niyang humahagulgol ang mama niya habang isinisiwalat ang nangyari sa papa niya. Dinampot umano ng mga kalalakihan ang papa niya. Hindi niya nailuha ang kanyang emosyon, sa halip ay nanigas ang puso niya. Tulalang nakatitig lamang siya sa kanyang ina. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Bakit nagkaganoon? Kung kailan malapit na siyang magtapos ng high school ay saka naman nawala ang papa niya? Ano’ng nangyari? Bakit na-kidnap ang papa niya kung naghihirap na pala sila? Ang dami niyang nakalilitong tanong. Isang linggong nagtitiyaga si Ella at mama niya sa paupahan na masikip para sa kanilang dalawa. Sunod-sunod na kamalasan ang nangyayari sa pamilya niya. Nawalan sila ng bahay at naipasara ang kumpanya ng papa niya dahil sa mga utang na hindi nabayaran at atraso nito sa benipisyo ng  mga tauhan. Wala pang permanenteng trabaho ang mama niya. Hindi pa rin natatagpuan ng mga pulis ang papa niya. Korean-Filipino ang papa niya at namuhunan para sa Korean car auction sa Cebu. Sagana ang negosyo nito noon sa Korea pero noong namatay ang mga magulang nito ay nagasya ang papa niya na ibenta ang property nito sa Korea at umuwi sila sa Pilipinas. Subalit bigla namang nagkaganoon, bumagsag ang negosyo nito at nalubog sa utang hindi niya maintindihan. Fifteen years old na siya, nest year ay graduate na siya ng high school. Mukhang mapurnada pa, sa private school pa naman siya nag-aaral. “Hi Ella! Ang prinsesang walang korona at palasyo? Balita ko hindi ka makakapag-exam dahil hindi ka nakabayad ng tuition. Gusto mo bang pautangin kita?” tukso sa kanya ng kaklase niyang lalaki na si Devey, pagkapasok niya sa class room nila. Uminit kaagad ang bunbunan niya. Gustong-gusto na niya itong tsinelasin sa mukha kaso baka makanti siya ng mga babaeng patay na patay rito. Simula noong second year high school na nag-transfer siya roon sa paaralan ay naging kaklase na niya ito at paborito siyang asarin. Kilalang makulit at mapang-asar itong si Devey, pero mas kilalang heartthrob ng campus. Halos lahat ng babae sa school nila ay nagkakagusto rito kasi napakapilyo. Kahit malayo ang silya nito sa kanya ay nakakarating ito sa puwesto niya para lang mang-asar. Minsan pa’y bigla na lang nitong pinipitik ng lastiko ang binti niya, kikilitiin siya , o kaya’y hihilain ang buhok niya. Nagtitimpi lamang siya pero minsan ay gumaganti siya. Wala siya sa mood makipag-away rito kaya hindi na lamang niya ito pinansin. Nang makita niya si Jero na nakaupo sa upuan niya ay napawi ang init ng ulo niya. Abala sa pagsusulat sa kaperasong papel si Jero. Hindi man lang ito naisturbo nang umupo siya sa upuan nitong katabi ng silya niya saka siya tumukhim. “Silya ko kaya ‘yang inuupuan mo,” parinig niya rito. “Hinihiram ko lang,” tipid nitong sabi, habang patuloy pa rin sa pagsusulat. Sinulyapan niya ang suot nitong pendant. Nang mapamilyar ito sa kanya ay tila dinagukan siya ni Kupido. Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib niya. Sino ba kasi ang mag-aakala na ang isang campus heartbreaker ay magkakainteres na iligtas ang frustrated princess na katulad niya? Ni wala itong pakialam sa mga babaeng nasa paligid nito. Pero since pumasok siya sa paaralang iyon, crush na niya si Jero. Gusto niya ang pagiging seryoso nito, tahimik pero matalino sa klase. Katunayan mahigpit nitong kautnggali si Devey, pero kahit salbahe si Devey, palagi pa rin itong nangunguna. Maraming pabor kay Devey, siya lang ata ang loyal kay Jero. “Ahm, sige, hiramin mo lang. Bayad ko na ‘yan sa pagligtas mo sa akin noon. Salamat ulit ha?” aniya. Hindi umiimik si Jero. Mamaya ay may lapastangang umalog anng malakas sa kinaluklukan niyang silya. “Ay kabayo!” bulalas niya. Pakiramdam niya’y nalaglag ang puso niya dahil sa tindi ng kaba. Narinig niya ang pamilyar na halakhak ni Devey sa likuran niya, tawang demonyo. Bumalikwas siya nang tayo at hinarap ang lapastangang binatilyo. “Kabayo ka nga! Mahahaba ang binti, kulot, payatot lampang prinsesa na walang palasyo!” sabi pa nito sa kanya at muling tumawa. Sa inis niya’y hinubad niya ang isang pares ng sapatos niya saka gigil na isinampal sa makinis na pisngi ni Devey. Ang matigas pang flat na likod ng sapatos niya ang tumama sa pisngi nito. Pumihit ang ulo nito at nagmarka ang likod ng sapatos niya sa balat nito, pulang-pula. Biglang tumahimik ang buong classroom at napatingin sa kanila. Nanlalaki ang mga mata ni Devey na nakatitig sa kanya. “Ang sakit, ah! Isa pa nga!” sabi pa ng mokong. Akmang isasampal pa niya ulit ang sapatos sa mukha nito ngunit may kamay na pumigil sa braso niya. Paglingon niya sa kanyang tabi ay nakatayo na si Jero at hawak ang braso niya. “Huwag mo na siyang patulan, lalo ka lang niya aasarin. Kapag sinaktan mo siya ulit, may mangyayaring hindi mo magugustuhan,” seryosong apela ni Jero. Do you know what happens next if you hit him again?” seryosong tanong sa kanya ni Jero. Lalong nag-init ang ulo niya nang kampihan pa ni Jero si Devey. “I don’t care! He’s stupid!” palabang buwelta niya. “Then go, slap him again,” sulsol ni Jero, sabay bitiw sa kamay niya. Itutuloy na sana niya ang pagsampal kay Devey nang bigla itong sumigaw. “Sige! Sampalin mo pa ako, paglaki ko papakasalan kita!” “Ang yabang mo!” asik niya. “May isang salita siya, Ella,” gatong pa ni Jero. “Wala akong pake!” Lalo siyang nainis kaya itinuloy niya ang pagsampal dito ng sapatos pero hindi na ganoon kalakas. Pagkatapos niyon ay biglang dumating ang guro nila kaya wala na siyang narinig mula kay Devey. Umalis na lang ito sa harapan niya. Tumahimik na nang magsalita ang guro nila. Pagkatapos ng klase sa tanghali ay kinakabahan si Ella paglabas niya ng classroom. Nakahilira na roon ang mga babaeng tagahanga ni Devey. “Bugbugin siya!” sigaw ng tumatayong pinuno ng grupo. Hindi pa siya nakakahuma ay may mga kamao nang tumama sa katawan at mukha niya. May humihila ng buhok niya, sumasampal sa mukha niya, at meron pang sumisipa sa paa at sikmura niya. Napaluhod siya sa lupa at pilit sinasangga ng mga kamay ang mga tumatamang paa at kamay sa kanya. Nahihilo na siya, nasasaktan pero hindi siya umiyak. “Enough!” awat ng pamilyar na tinig ng lalaki. Nilubayan naman siya ng mga babae, pero hindi na siya makatayo at hindi na niya maaninag ang paligid. Namamaga ang mga mata niya na tinamaan ng suntok. Pakiramdam niya’y namaga rin nang husto ang mukha niya. Nangatal ang kanyang katawan habang nakasalampak siya sa lupa. “Ano’ng karapatan n’yong saktan si Ella? E kung kayo kaya ang bugbugin ko, ha?” sabi ng lalaki. Nahimigan na niya ang boses nito pero malabo dahil tila namaga na rin ang tainga niya. “Humanda kayo, ipapa-expel ko kayo rito sa school!” dagdag pa ng lalaki. Mamaya ay may narinig siyang mga yabag na papalayo sa kanya. Hindi na siya nakapagsalita nang may bumuhat sa kanya. Lalong hindi niya naimulat ang kanyang mga mata nang umiyak siya. Nakapikit lang siya habang ginagamot ang mga pasa niya. Nakatulugan na lamang niya ang pag-iyak. Pagkagising niya ay school nurse lang ang namulatan niya. Nasa clinic pala siya ng school. Pagdukot niya sa bulsa ng palda niya upang kunin sana ang panyo niya ay may nakapa siyang matigas na bagay. Pagtingin niya’y isang coin na hindi naman pera ng Pilipinas. Isang bituin na may mata sa gitna ang nakaukit sa coin. Kulay ginto ito at medyo mabigat. Kasing laki ito ng piso. At sa loob ng panyo niya ay may kaperasong papel na may nakasulat. Please keep this coin while you’re still living. It will protect you anytime, in any trouble or tragedy. It also brings you good luck if you would believe in a miracle. Don’t lose hope, be strong. Your saver Kumunot ang noo niya habang napapaisip. Curious tuloy siya sa lalaking nagdala sa kanya roon sa clinic. Si Jero na naman ang naisip niya. Wala naman siyang ibang maisip na puwedeng magmalasakit sa kanya kundi ito lang. Ito lang kasi ang kasundo niya sa klase. “Nasaan na po ang nagdala sa akin dito?” tanong niya sa nurse. “Sino ba ‘yon? Nakita na lang kitang nakahiga rito kanina na mag-isa,” sabi ng nurse. Hindi na lamang siya kumibo. Itinago na lamang niya ang coin at ang sulat. Pamilyar sa kanya ang sulat kamay na iyon. Inihatid na siya ng janitor ng paaralan nila sa bahay na tinutuluyan nila. Problema naman niya kung tatanggapin ba ng school ang promissory note na ipapadala ng mama niya. Hindi puwedeng hindi siya makapag-exam, hindi siya makakatuntong sa fourth year. Baka sa public school na lang siya mag-aaral next year. Tinititigan niya ang coin, habang nakahiga siya sa kama. Parang tangang kinakausap niya ito. Sinubukan niyang mag-wish bago matulog. Nakatulog siyang hawak ang coin, and she automatically exploring her beautiful dream with her prince charming… “I will wait for you in the future Ella… I will marry you, my princess…”    

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
499.8K
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
341.9K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.7K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.1K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

He's Cold Hearted

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook