Kinaumagahan, naunang magising si Ivo kay Zachi. Humihikab pa ang huli nang lumabas ng kanyang kwarto. Nakakunot ang noo niya habang papunta sa kusina kung saan may naamoy siyang mabango. May nagluluto ng breakfast. “Iv?” she called him. “Hey, I’m here, cooking breakfast for us,” sagot naman ni Ivo. Humikab lang si Zachi at saka tumango-tanog habang palapit dito. Kinusot niya ang mga mata at yumakap kay Ivo mula sa likod. “Morning, did you sleep well?” tanong pa nito sa kanya. Marahan siyang tumango lang sa lalaki. “What are you cooking?” she asked. Ivo chuckled a bit. “Just eggs and bacons. You want some?” Tumango-tango siya rito. Ilang saglit pa ay kumalas na rin siya sa pagkakayakap dito at umupo na lang sa high chair. Pinagmasdan niiya lang ang lalaki na nagluluto roon. Hindi

