Later that night, the Fortejos had their family dinner. It has always been the tradition of the family to eat together every dinner since iyon na lang ang oras na magiging kompleto sila at makakapagkita-kita silang lahat. “Good evening, parents!” masiglang bati ni Zachi pagkaupo sa kanyang pwesto. Nandoon na ang mga kapatid niya at siya na lang pala ang hinihintay. “Ang tagal mo talagang maligo,” komento ng bunso nila. Umirap lang si Zachi. “Che, you’re so nakakainis. Lahat na lang may comment, ha,” sabi niya pa. Sasagot pa sana si Zasa nang tumikhim na ang daddy niya. Si Zero ay tahimik lang doon habang ang mommy niya naman ay pinagmamasdan lang sila. “Have you chosen a department, Zachi?” her dad finally asked. “You’re letting her choose? Just assign her, Zeron,” sambit naman