Zachi was panting as she stared at Ivo intensely. Humahangos din ang kanyang kaibigan habang nakatitig sa kanya. “Ano bang problema mo, Ivo?!” sigaw niya rito. Marahas na iwinakli ng lalaki ang hawak ng mga bouncer dito. Hinigit siya nito sa braso na siyang ikinasinghap ng mga tao roon. “We’re going home, Zachi,” mariing sambit nito sa kanya. “Ivo ano ba!” Nagpumiglas siya sa hawak nito. Hinihila siya ni Ivo pero agad din naman siyang napatigil nang may humawak sa kanyang kaliwang braso. “Nasasaktan siya, Pare. Bitiwan mo,” kalmado pero mariin nitong sambit. The bouncers tried to go to Ivo again pero matigas ito at hinahawi lang ang mga bouncers. “Shut up!” Ivo’s voice thundered. Mas lalong lumala ang bulungan sa paligid nila. “Ivo, ano ba!” Pilit na tinatanggal ni Zachi ang pa