Naalimpungatan si Zachi nang tila may tumamang sinag ng araw sa kanyang mukha. Nagpabaling-baling ang kanyang ulo. “I-Iv…” mahinang sambit niya at saka dahan-dahang idinilat ang mga mata. “Zachi! Oh gosh, my daughter!” it was her mom’s voice. Nangilid ang mga luha ni Zachi nang marinig iyon. “M-Mom?” Ilang saglit pa ay naramdaman niya agad ang pagyakap ng ina sa kanya. Nang maibuka niya ang mga mata ay saka niya nakita ang umiiyak na mommy niya. Humahagulgol ito sa kanyang tiyan. Sa likod nito ay nakita niya si Ivo na nakatitig lang din sa kanya. Nakaigting ang panga nito at nangingilid ang mga luha. “Oh god, I was so scared and worried, anak,” umiiyak na sambit ng mommy niya. Ilang saglit pa ay nakita niya na rin ang ama sa kabilang gilid. Hinalikan siya nito sa noo. “Oh my prin

