Hindi mawala sa isip ni Zachi ang naging resulta ng initial investigation. Halos buong araw ay hindi siya mapakali. She has been bothered by that information about Tricia. Wala pa siyang sinasabihan kahit na sino sa mga kaibigan at kapamilya niya. Kahit na gusto niyang sabihin kay Ivo ay hindi niya pa sinasabi. She needed to be a hundred percent sure first. Hindi pwedeng kulang-kulang ang maibigay niyang impormasyon kay Ivo. Isa pa, baka mabulilyaso pa ang pagmamanman ng kanyang imbestigador. She just didn’t want to spoil it. She was just thankful that the joint company was making her busier because they have a lot of things to do. Ang dami nilang paperworks sa opisina at release na rin ulit ng new collection sa Fortejo Jewels kaya kailangan niya ring tutukan iyon. She stretched her ar

