“Nasabi mo na ate?” Zasa asked Zachi while they were in their mansion’s sala. Zachi’s forehead creased and looked at her sister. Nakaabang na ito sa kanyang sagot t mukhang kanina pa ito curious na curious. Napabuntong-hininga na lang siya at saka umiling dito. Eksaheradang suminghap pa si Zasa sa kanya. “Eh? Anyare? I thought you’ll be able to say it na?” sambit pa nito. Nakagat niya ang labi. Huminga siya nang malalim. “I thought so, too, okay, but then a lot of things happened. Na-postpone nang na-postpone kasi nga ang busy naming di ba. I was about to tell him na nga noon nahuli si Tricia but then, yeah, naudlot na naman.” Namasahe na lang niya ang noo habang nakatitig sa kapatid. Nalaglag naman ang panga ni Zasa sa sinabi ng kapatid. “Gosh, Ate, ha. Anong nangyari?” gulat na t

