After the formal party, nagkaroon pa ng after party si Zachi sa rooftop ng hotel kung saan ang mga kasama niya ay ang kanyang mga acquaintances. She wouldn’t really call them friends because she knew that all of them are just using each other. Hindi naman talaga genuine ang friendship, so why bother. Si Ivo lang talaga at ang kapatid nito ang maituturing niyang circle. Kasali na rin doon ang iba pang lalaking friends ni Ivo since lagi rin naman silang magkasama pero hindi talaga to the point na ka-level ni Ivo na sobrang pinagkakatiwalaan niya. She was okay with that situation. Civil naman siya sa mga ito at nagkakatuwaan naman sila kaya go na rin siya.
At dahil nga nagka-after party sila at sobrang wild ng mga kasama niya na inabot sila ng alas tres ng umaga ay tanghali na nang magising siya kinabukasan. Nag-check in na rin ang buong pamilya niya sa hotel at mukhang mamayang gabi pa naman sila uuwi dahil may business meeting pa ang mga magulang niya.
Kusot-kusot ni Zachi ang kanyang mga mata habang dahan-dahan siyang bumangon sa kanyang kama. Dalawang suite ang kinuha ng mga magulang niya. Isa sa mga ito at isa sa knilang tatlong magkakapatid. Humikab pa siya at kinurap-kurap ang kanyang mga mata para maka-adjust sa sinag ng araw mula sa labas ng kanyang bintana. Nang ilibot niya ang tingin sa buong kwarto ay bigla pa siyang nagulat nang makita ang lalaki niyang kapatid na si Zero sa hamba ng kanyang pintuan at kumakain ng ice cream. Nakatingin lang ito sa kanya.
Kinunutan niya naman ito ng noo. “What?” tanong niya rito.
Umayos ito ng tayo. “Hinihintay ka na ni Ivo sa labas,” anito at saka tumalikod na rin at lumabas ng kwarto niya. Napasimangot na lang siya habang pinagmamasdan ang papalayong likod ng kapatid. Napailing siya. Minsan ay inaakala niya talagang pinaglihi ng Mommy niya sa robot iyong isang iyon. Parang walang pakiramdam, e.
Bumuntong-hininga na lamang siya at saka bumaba na ng kama. Nasapo niya pa ang kanyang noo nang maramdaman ang biglang pagkirot nito. Sure siyang hindi naman siya nalasing kagabi kasi hindi pumapayag si Ivo na makarami siya. Ganoon ito ka-protective sa kanya gaya ng kung gaano ito ka-protective sa kapatid nitong si Ivy. Parang magkapatid na talaga sila ng isang iyon kaya di niya talaga gets kung saan nakukuha ng mga tao na sila na raw. Hindi nga siya na - inform. Siguro dahil sa sobrang tagal niyang natulog kaya sumasakit ang ulo niya. Hindi kasi talaga siya sanay sa mga party all night kasi sa tuwing pumupunta sila ng bar ni Ivo palagi itong maaga magyayang umuwi. Wala naman siyang problema roon dahil sa totoo lang di niya gusto iyong ka-wild-an ng mga tao kapag lumampas na ng 12 midnight. Para kasi talagang mga leon, e. She parties, but she’s not that wild. Sakto lang di gaya ng Mommy niya noon.
Tamad siyang dumiretso sa banyo ng kwarto niya at saka naghilamos at toothbrush, pagkatapos ay dumrietso na siya sa shower room. Gusto niya nga sanang mag-bath tub kaso baka matagalan siya at mainis na si Ivo sa kanya. Ayaw pa naman noong ng late. Super late na nga siyang nagising. Naka-plan na kasing sa pool area ng hotel sila ngayon tatambay. Hangout lang naman iyon at no big deal, ang kaso ay may meeting si Ivo mamayang 2 pm kaya limited time lang din na makakasama niya ito. Syempre na-miss niya rin naman ang bestfriend niya dahil tatlong buwan itong namalagi sa Seattle para sa isang business expansion at business deal.
Pagkatapos niyang maligo ay mabilis na nag-blow dry siya ng buhok at nagbihis. She just settled for a black racerback crop top and high waist white shorts. Wala naman siyang planong maligo kaya ganoon lang siya. She just applied a tint on her cheek and lip and let her hair down. Pagkatapos noon ay lumabas na rin siya ng kwarto niya. Napatigil pa siya nang makita si Ivo na nakatayo na sa may sala ng suite..
Kunot na kunot na ang noo nito habang naka-kuros na ang mga braso. Halata sa mukha nito na inip na inip na rin.
Napanguso na lang siya at agad na nag-tiptoe palapit dito. “Hi!” magiliw na sabi niya pa sabay ngiti nang abot tenga, nagbabakasakaling hindi ito maburyong sa kanya. Saglit na tumigil si Ivo tapos ay tiningnan siya. Kung may mas ilalapad lang ang kanyang ngitim, nilaparan na niya.
Tinitigan lang siya nito. Seryosong seryoso pa ang mukha nito at mukhang inis na talaga kaya ngumuso siya at agad na umangkla sa braso nito.
“Let’s go na? I mean nandoon na ba sina Ivy and friends sa baba?” tanong niya pa at nagsimula nang maglakad na para bang walang nangyari.
Narinig niyang bumuntong-hininga na lamang si Ivo at nagpatianod na lang din sa kanya. Mas lalo lang tuloy siyang napangiti.
‘The best talaga charms mo, Zachi! Atta girl!’
Pagdating nila sa pool side ng hotel sa ibaba ay nadatnan nila ang mga kaibigan ni Ivo at iilang kaibigan din ni Ivy. Nag-aasaran ang mga lalaki sa pool habang ang mga babae naman ay nasa gilid at nagsa-sunbathing yata sa mga lounger. Nakita niya rin ang babaeng kapatid niyang si Zasa sa isang lounger kaya doon sila lumapit. Makatabi sila ni Ivo sa isang lounger at nakaharap sila sa kapatif niyang relax na relax na nakahiga at ini-enjoy ang sikat ng araw.
Napasimangot at napailing lang siya rito.
“Oh.”Inabutan siya ni Ivo ng juice, kinuha niya naman iyon at ipinagkuros ang kanyang mga hita. Dumako ang tingin niya sa pool kung saan marami-raming tao na rin ang naliligo. Hula niya ay halos lahat ng mga nandoon ay mga business partners or acquaintances lang din ng pamilya nila.
Tiningnan niya si Ivo na malayo rin ang tingin habang sumisipsip ngj juice. Bumuntong-hininga siya at bahagya itong siniko.
“So, what’s your plan now? Office work ka na ba?” tanong niya rito. It’s been months na rin since shegraduated college. Si Ivo 2 years ago nang graduate at nag-masteral lang kaya pareho pa rin silang fresh grads. Parehong business course ang kinuha nila dahil may mga negosyo naman ang pamilya nila. She asked her Mom and Dad for a break before she finally starts her work at their company. Sa Fortejo siya since ang dalawa niyang mga kapatid ay nag-commit na sa Montecarlos at dahil si Zero ay Engineering ang balak na kunin kaya doon sila sa side ng business ng Mommy niya. Si Zasa naman balak tumulong sa personal business ng Tito at Mommy niya so she really has to go with her father’s. Wala namang kaso iyon. She’s very excited to learn from her dad since ito raw ang mag-o-oversee ng training niya. Medyo may anxiousness din kasi syempre, daddy niya iyon. Mas lamang lang ang excitement since she knows that what her dad will be teaching is directly from Lady Addelaide herself.
“Take over Daddy Xamuel. Ikaw?” sagot nit Ivo sa kanya.
Ngumuso siya. “Hmm. Sa office din. I mean doon naman talaga ako.” Nagkibit-balikat siya. Tumango rin si Ivo at saka muling uminom sa juice nito. Bumuntong-hininga lang ulit siya at ibinalik ang tingin sa paligid. Napangiti na lang tuloy siya. “I just remembered our gala before sa college tuloy. Hay, I’m gonna miss that,” sabi niya pa at sumandal sa balikat ni Ivo.
“Tss. We can still do that, though. Just tell me. I’ll free my sched.” Naramdaman niyang tumingin ito sa kanya. Nakagat niya ang labi at sinalubong din ang tingin nito.
“Aww. You’re so sweet talaga.” Niyakap niya ito. “What would I do without you? Hmm.”
“Well, let’s hope you’ll never have to figure that out.” Naramdaman niya ang pag-akbay nito sa kanya. Naipikit niya na lang ang kanyang mga mata.
Ivo is really her main guy. Kahit na siguro magka-boyfriend siya, walang papantay sa pwesto nito sa puso niya. She’s just too lucky to have him in her life.
“Love you, Iv,” bulong niya rito at mas hinigpitan ang yakap. Naramdaman niya pa ang bahagyang pagkatuod nito. Bumuga ito ng hininga at saka tumikhim.
“Love you, too…”
Kumalas siya sa yakap nito at nginitian ito. Ginulo niya pa ang buhok nito bago muling sumandal sa balikat nito. Napabuga ulit ng hininga si Ivo at napainom na lamang sa juice na hawak nito.
Ilang mintuo silang nakatambay lang doon at nanonood lang sa mga nasa pool nang biglang may napansin si Zachi na parang pinagkakaguluhan sa bandang may right side ng pool. Nang tingnan niya iyon ay nakita niyang may pumasok na mga kalalakihan at kababaihang naka-swim wear tapos may sumunod na mga lalaki at babaeng may dala ng mga equipment for photoshoot. Napaayos siya ng upo at saka tiningnan ang mga iyon nang maigi.
‘May photoshoot?’
Many girls are squirming over the male models pero dinaanan lang iyon ng kanyang mga mata. Nahinto ang kanyang mga mata sa isang lalaking naka-board shorts at polo na puti. Nakabukas ang dalawang butones nito sa itaas at may nakasabit na DSLR sa leeg nito. Naka-sunglass din ito at halatang halata na naka-gel ang buhok nitong medyo magulo.
Hindi maipaliwanag ni Zachi pero napatitig siya sa lalaki. Napakurap-kurap pa siya nang biglang bumaling sa direksyon niya ito.
Umawang ang kanyang labi nang tanggalin nito ang shades nito at nagpang-abot ang kanilang mga mata. Napalunok pa siya nang saglit na nagkorteng ngiti ang labi nito bago tuluyang bumaling sa mga model. Napalunok ulit siya at napainom na lang sa kanyang juice.
‘Omg. What was that?’
Para siyang nawala saglit sa kanyang sarili. Nabalik lang siya sa reyalidad nang sikuhin siya ni Ivo.
“You okay?” takang tanong nito sa kanya. Napalunok ulti siya at awkward na ngumiti lang dito.
“Yep!” Hindi agad siya nilubayan ng tingin ni Ivo. Siya na ang unang nag-iwas ng tingin dito at sumipsip na lang ulit sa juice niya.
Bumuntong - hininga si Ivo at ginulo ang kanyang buhok. “I’ll get us something to eat,” anito.
Nginitian niya lang ito at tinanguan. “Okay.”
Para siyang nabunutan ng tinik nang makaalis na ang lalaki. Ibinaling niya ang tingin sa mga nagpo-photoshoot. It’s just odd but then she just found herself staring at that photographer as he take the models’ pictures.