Hindi alam ni Zachi kung anong mararamdaman niya. Bigla na lang siyang nanlamig sa kanyang kinauupuan. Nagharumentado ang kanyang puso at hindi niya alam kung paano gagalaw o magre-react. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga kamay at muntikan niya pang mahulog ang kanyang cell phone sa sobrang panginginig ng kanyang mga kamay. Hindi pa rin siya makapaniwala sa narinig. Tumatambol nang malakas ang kanyang dibdib to the point na hindi na siya makahinga. She clutched her chest and tried to breathe properly. “Zachi? Zach, hey!” Nabalik lang siya sa reyalidad nang maramdaman ang pagyugyog ni Iris sa kanyang balikat. “H-Huh?” takang tanong niya kaya mas lalong nangunot ang noo ni Iris sa kanya. Nasapo pa nito ang bibig sa sobrang gulat. “You’re spacing out and oh my gosh! You’r

