The next morning, nagising si Zachi nang wala na siyang katabi. Hindi makapaniwalang napabalikwas siya ng bangon. Napanganga na lang siya habang tinitingnan ang paligid ng kwarto. Kumunot ang kanyang noo at saka siya bumaba ng kama para hanapin si Ivo. “Iv?” tawag niya pa pero wala namang sumagot. Wala na tuloy siyang choice kundi ang lumabas ng kwarto. Nang pumunta siya ng kitchen ay wala pa ring tao. Wala rin sa living room. Mas lalong nangunot ang noo niya habang papunta siya sa ref. May nakita siyang note na nakadikit doon. Kinuha niya iyon at napabuntong-hininga na lang siya nang makita ang handwriting ni Ivo. ‘Love, I need to go to office early. Love you.’ Napakamot na lang siya sa kanyang ulo at napaupo sa may kitchen counter. Napailing na lang ulit siya at pumangalumbaba roon

