Nasa loob sina Thelma at Karkos kasama si Hellion sa opisina nito. Katahimikan ang naririnig sa buong silid habang si Thelma ay maiihi na sa kanyang salawal dahil tatlo lamang silang nasa loob nito. She was afraid of Hellion. Hanggang ngayon yata ay hindi pa maalis ang trauma niya sa lalaki dahil sa nangyari noon. She saw a monster back then. At ngayon, nasa harapan na naman siya ng halimaw na kinakatakutan niya. Karlos observed his woman and he knows she is afraid. Kung meron lang siyang magawa para kumalma ito ay ginawa na niya. Nag-aalala siya sa babae ngunit hindi niya nalang ipinahalata lalo pa at nasa harapan ni Hellion. Tumikhim si Hellion na siyang nagpanerbyos sa babae. Napapikit siya sandali ng mga mata at napahawak sa dibdib. Aatakehin yata siya sa puso dahil sa boss ni Karlo

