Bumalik ang takot sa dibdib ko nang lumapit si Miro sa amin, nasa likod siya ni Konnor, kinukulong ang bawat kamay nito roon. Agad namang nabaling ang atensyon ko kay Cleon nang marahan siyang tumayo, umalalay ako sa kaniya nang muntikan na siyang matumba. Oo, may plano akong hayaan siyang mamatay, pero hindi sa ganitong paraan. Hangga't maaari ay ayaw kong habulin ng konsensya ko kaya naman kahit naroon ang pagdududa ko sa kaniya ay naghahanap pa rin ako ng isang malinaw na pruweba. Katangahan? Siguro nga, iyon ang tawag sa ginagawa ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mabilis na daklutin ni Cleon ang kwelyo ni Konnor, kasunod niyon ay ang pagpapakawala ng isang malakas na suntok sa panga nito. Natumba si Konnor, abot-abot ang kaba sa dibdib ko dahil sa takot na baka gantihan niya si Cleon
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books