CHAPTER 20

1269 Words
Fourteen days. That's all I have to make up my mind. I groaned and snuggled up on the bed as the strong heat swept through my body once more. I was sweating profusely, and I was gasping for breath. I feel like I'm going to die. "Can she handle it?" I heard Cleon's worried voice near me. "She has a witch blood. You know it, too. She'll definitely pass through this," Miro answered. "Manang, call our pack doctor," Cleon commanded. Witch blood? Hindi sumagot si Manang, imbes ay mabibilis na yabag ang narinig ko na nasisiguro kong mula sa kaniya. Ilang segundo pang nag-usap sina Senyorito at Miro na hindi ko na matuunan pa ng atensyon dahil sa init na nananalaytay sa katawan ko. Para akong tinatrangkaso na mila-malaria. Tangna mga aso 'to, napakaiingay. "Ready the wolfbanes," seryosong sabi ni Cleon. "Are you crazy?!" sigaw ni Miro, halatang hindi sang-ayon sa utos ng kaniyang kapatid. Nakaramdam ako ng malamig na bagay na dumadampi sa noo at leeg ko. Marahan naman akong nagmulat at nakita si Senyorito gamit ang nanlalabo kong paningin. Seryoso siyang nakatitig sa akin habang naroon ang pag-aalala sa kaniyang mga mata. "We need to severe the connection as soon as possible, Beta. We need to do it now before I became possessive of her," Cleon answered softly. "We both know that since you came back you've been territorial, Alpha," Miro fired back. Cleon heaved a deep breath. "I don't want to get to the point where I can't accept her rejection anymore just because I want to keep her with me. So, get the wolfbanes, Beta." "Then keep her! Claim her as much as you want!" Miro shouted frustratingly. Cleon stopped wiping me, and his jaw clenched. His lips were in a thin line as he stared at his brother darkly. Threatening. "Mind your words, Beta. I'm the Alpha, you seem to forget that," Cleon reminded. "You're the one who forgets, brother," Miro said in a serious tone. "You are our alpha before you are his mate. You are the leader of the pack. It is your duty to protect and defend us." Once again, Cleon's jaw set. Ramdam kong nahihirapan din siya sa sitwasyon at naiintindihan niya ang ipinupunto ni Miro. Nakatatawa mang isipin, pero pareho ko silang naiintindihan. Isang buntonghininga ang pinakawalan niya bago ibinalik ang atensyon sa akin. Lumamlam ang kaniyang mga mata at ipinagpatuloy ang pagdampi ng basang bimpo sa aking noo at leeg. "Stay with me. You are going to be okay, I promise," he assured softly. Para iyong mahika na unti-unting bumalot sa katawan ko. Napatitig ako sa kaniyang mukha hanggang sa marahan akong napapikit at tuluyang nagpadala sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero sa isang iglap ay may mga naririnig akong pamilyar na boses. "Flavio! We need to save our daughter!" I know that voice. Ilang taon na ang nakararaan mula nang huli ko iyong marinig, pero hindi ako maaaring magkamali. It was my mom. "He's right behind us, Annia," this time, it's my dad speaking. Ano ang nangyayari? Bakit wala akong makita? Bakit hindi ko sila makita? "We need to save her. Mamamatay tayong lahat kapag naabutan niya tayo," umiiyak na saad ni Mommy. "Calm down. Makahahanap din tayo ng tyempo," pagpapakalma ni Daddy. Slowly, blurred images showed up in front of me. Mabilis na tumatakbo ang kotse, malakas din ang buhos ng ulan. Panay ang hikbi ni Mommy sa tabi ko habang mahigpit na nakayakap sa akin. Is this . . . my memory? "Faraiah," my mom called. Kusang kumilos ang katawan ko, tiningnan ko siya kahit pa hindi gano'n kalinaw ang imahe niya sa harapan ko. I know she's crying, and she's looking at me tenderly at this moment. Para bang nakatatak na iyon sa isip ko na kahit malabo pa siya ay kayang-kaya kong makita iyon. Isang masuyong haplos sa aking pisngi ang ginawa niya. Tila kinakabisa ang bawat sulok niyon. Nagsimulang maglaglagan ang mga luha ko. Ilang taon na rin ang nakalilipas mula nang huli kong maramdaman ang mainit niyang hawak, ilang taon na rin mula nang marinig ko ang mala-anghel niyang boses. "If the day comes when you remember all this, save yourself. Don't chase him; stay away from danger, Faraiah," she instructed. "Mommy . . ." tipid kong sambit, humahagulgol. "What are you planning to do, Annia?" my dad asked. "Kailangan nating burahin ang memorya niya, Flavio. This way we can protect our daughter," sagot naman ni Mommy. Paulit-ulit naman akong umiling. "No, please. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari. Kailangan kong maalala ang lahat," pakiusap ko habang hinahawakan ang ina ko sa braso, pero parang hindi niya iyon nararamdaman o naririnig. "Stay away from that werewolf, Faraiah. Live a normal life away from chaos," she continued. Natigilan naman ako. Werewolf? Unti-unti ay naalala ko ang hinala ko na hindi simpleng aksidente ang nangyari kina Mommy at tama nga ako. Pinatay sila. Mabilis na kumabog ang dibdib ko sa kaba. Please. . . don't tell me it's him? Pare-pareho kaming nabigla nang malakas na napapreno si Daddy, kasabay niyon ang isang kalabog sa harapan. We hit something. No . . . it's someone. "Is that him? He caught us?" Mahigpit akong niyakap ni Mommy, damang-dama ko ang takot sa katawan niya habang nakatanaw kaming lahat sa unahan. May mga binubulong siyang salita na hindi ko maintindihan. It was like a chant spell. Unti-unti ay binalot ako ng nakasisilaw na liwanag. Dumadaloy ang kung anong init sa katawan ko habang nagpapatuloy si Mommy sa pagsasalita. Ramdam ko ang pagkataranta ni Daddy, hindi ko alam kung para sa amin o para sa nabunggo niya. Nahigit ko ang aking hininga nang mula sa nanlalabo kong paningin at nakabubulag na liwanag ay may isang pamilyar na pigura ang tumindig mula sa harapan. Nagsimulang manginig ang katawan ko habang umaalpas muli ang luha sa gilid ng aking mga mata. I know him. Hindi ako pwedeng magkamali dahil saulado ko ang tindig at itsura niya kahit pa hindi ko siya lubos na makita. My heart clenched in pain. Hindi ako makahinga. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko. Takot, pagkabigo . . . galit. Please . . . tell me I'm dreaming. He was breathing hard. His eyes were dark, and I could clearly see his sharp nails. His presence screamed intense danger. I closed my eyes when the surroundings started spinning, it's like I'm traveling in an accelerated time. I heard noises, but I don't understand all of them. My body started to feel weak, and my head hurt too. When I opened my eyes again, the surroundings were dark. I was lying in a forest, and in front of me was a man. He's looking at me emotionlessly. "Cleon . . ." Isang masuyong haplos ang naramdaman ko sa aking pisngi kasunod niyon ang isang pamilyar na tinig, "Faraiah, I'm here." Marahan akong nagmulat ng mga mata at blangkong napatingin sa imaheng nasa harapan ko. He was looking at me softly, but I couldn't feel anything right now, like I'm still lost in the void. I just stared at his face. "Cleon . . ." marahan kong sambit. Mabilis naman na natuon ang atensyon niya sa akin. Umigting ang kaniyang panga at kita ko ang palihim na pagkuyom ng kaniyang mga kamao. Tila ba inihahanda ang sarili sa kung anumang sasabihin ko. "Faraiah, do you still want to res—" "Hindi ako makikipag-dogstyle sa iyo," putol ko sa kaniya. Nakarinig ako ng pagkabasag ng gamit, sunod niyon ay ang boses ni Miro na hindi makapaniwalang nagmura, "Okay. She's okay now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD