Chapter Nine REBECCA NAGISING ako bandang alas syete ng umaga. Bumangon na ako dahil may trabaho pa ako. Nagtungo na ako sa kusina at nagtimpla ng kape. Lumabas ako para sana tingnan kung nagsimula na ba ang mga trabahador sa gawain. Nagtaka ako kung bakit wala pa sa kanila ang nagsisimula. Akmang papasok na ako ngunit natigilan ako nang makita si Paeng na may kasamang payat na babaeng nurse na hanggang balikat lamang niya. Kinunot ko ang noo ko nang makitang sumama pa ang babae sa kanya sa kung saan niya ipinarada ang kanyang motor. Mukhang nawiwili sila sa kanilang usapan. Naiinis ako dahil sinabi niyang ako pa lang ang unang babaeng inangkas niya sa kanyang motorsiklo ngunit heto siya ngayon, harap-harapang nakikipaglandian sa kapwa niya nurse. Ang kapeng iniinom ko ay bigla