Chapter Six REBECCA NAIINIS akong nagtungo sa kusina. Paano ba naman kasi, hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa ginawa niya kagabi. Kumuha ako ng isang baso saka nilagyan ng mainit na tubig. Drinking coffee in the morning feels great. Ngunit ayaw ko sa mainit na kape. Gusto ko iyong sakto lang ang init nito. Sumimsim ako habang iniisip ang sinabi ni Paeng kagabi na liligawan niya raw ako. Actually, gusto ko naman, only that I just can't imagine na he's being possesive over me gayong hindi pa naman kami. Paano na lang kung kami na nga? Wait, bakit ko nga ba iyon iniisip? Wala naman akong balak magpaligaw sa kanya. Ang focus ko muna ay sa trabaho kaya saka na ang love life. Natigil ako mula sa pag-iisip nang malalim dahil bumungad sa akin si Paeng. Nakasandal siya sa pintuan h