GIO { DAY TWO } "GIO! AHHH!" Narinig ko na naman ang nakakairita niyang boses. This girl is annoying! Puro sigaw na lang ang ginawa mula nang magkasama kami. Ano na naman ang problema nito?! Pumunta naman ako sa kwarto niya kahit na ayaw ko. Might as well check on her. Mamaya ako pa ang sisihin ng mga kapatid niya kapag may nangyari sa kanya. "Oh, bakit?" tanong ko at napansin kong namumutla siya habang nakasiksik sa sulok ng kama niya. "Anong nangyari?" "M-may i-ipis... kasi," sagot niya sa akin habang nanginginig. Sus! Ang arte! Yumuko ako para hanapin ang lintik na ipis na sinasabi niya. Tinanggal ko pa nga ang tsinelas na suot ko para ipanghampas sa ipis. "Nasa'n ba? Lumipad na yata?" tanong ko nang lingunin ko siya. Gulat na gulat ako nang tumayo siya at agad akong sinipa. Na