MIKA "Please... dito ka na matulog. I don't want to be alone. I'm scared," I even tugged the hem of his shirt when he was about to leave. Medyo kalmado na ako pero hindi pa rin ako makatulog dahil hindi pa ako mapalagay. "Gio, please..." muli kong pakiusap at tinapik niya pa ang ulo ko. "It's okay. Wala nang kulog at kidlat, kaunting ulan na lang 'yan," he assured me. "Nasa kabilang kwarto lang naman ako. I'll immediately come running for you." Hinawakan ko siya sa braso niya para muli siyang pigilan. Para akong batang maliit na ayaw maiwan mag-isa. "Gio! Sige na," pamimilit ko sa kanya. "Dito ka lang. Just until I fall asleep." "Ang kulit. Hindi nga pwede," pabiro niya pang inihilamos ang palad niya sa mukha bago siya bumaling sa akin. "Your brothers will surely kill me if we sleep