Chapter Eleven GIO Now that our deal is settled, we decided to start today. One month ang magiging duration ng deal kaya malalaman namin in the next few weeks kung may nahuhulog na ba o wala pa. "Pst!" tawag ko sa kanya habang tawa siya nang tawa sa tabi ko. Nasa living area kami ngayon. Nanunuod siya ng cartoons sa tv at ayaw magpahiram ng remote. May tv din naman sa kwarto perk tinatamad akong umakyat. "Hoy," muli kong tawag sa kanya tsaka niya lang ako nilingon. Ibinaba niya ang remote na hawak niya at tinaas ako ng kilay. "Oh?" "Laro tayo console! Marunong ka bang maglaro ng Tekken?" aya ko. Gusto ko sana manuod ng action movie kaya lang ayaw naman niya. So I offered to play. Baka gusto niya para pareho kaming hindi ma-bore. "Oo naman! I'm in," sagot niya. "That's actually my