Hindi nakahuma si Alexander sa sinabi ni Marcus kasi pawang katotohanan lamang ang lumabas sa bibig ng kanyang kaibigan. Muli na naman niyang naalala ang babaeng unang tinibok ng kanyang puso at naramdaman na naman niya ang sobrang pangungulila. "Fine! Hindi mo na kailangang ipaalala sa akin ang tungkol sa mga kasalanan ko. By the way, napansin mo ba iyong isang vase sa kwarto natin?" Maniniwala kaya si Marcus kung sasabihin niyang abo ang laman ng vase. "At bakit ko naman papansinin ang vase na iyon?" nahihibang na nga siguro si Ortega. Pati mga decorative vases ay binigyan na nito ng pansin. Napailing na lamang siya sa sinabi nito. "Because it was labeled with your name!” Paliwanag ni Ortega. Natigilan si Marcus sa kanyang narinig. Then he remembered that Daniella was fond of maki