"Hija, okay lang ba sa 'yo kung hihiramin sana namin si Radd. Tapos magpahinga ka na muna, alam kong pagod ka sa kakaalaga sa kan'ya. Pwede ka ring mamasyal sa mga kaibigan mo o 'di kaya ay mag-malling ka," mahinahong wika ni Tita at kinukumbinsi niya ako sa pamamagitan ng kaniyang mga tingin. "Ayos lang po Tita sasamahan ko na lang po si Radd. Hindi naman po siya nakakapagod bantayan at isa pa po ay mahal na mahal ko po siya kaya hinding hindibpo ako mapapagod sa kan'ya. Mas gusto kong magkasama kami parati. Baka po kasi hindi po siya kumain ng maayos kapag wala ako. Kung hindi pa nga po ako magtatampo ay hindi niya po inuubos ang pagkain niya." Umiling at natawa si tita dahil sa aking sinabi. Ginagap niya kaagad ang magkabila kong mga kamay at pinisil niya iyon. "Salamat hija sa lahat

