bc

I'M IN LOVE WITH MR. GAY

book_age18+
155
FOLLOW
1K
READ
doctor
billionairess
comedy
bxg
soldier
city
enimies to lovers
multiple personality
like
intro-logo
Blurb

Tumaas ang kilay ni Imari nang mag-apply si Walter o Winona sa kaniyang garment company bilang fashion designer.

Hindi rin naging maganda ang tagpo nilang dalawa noon sa kaniyang clinic nang magpacheck-up si Kinne kasama ang asawa nitong si Wigo. Huli na nila nalamang kakambal pala ito ng kaibigan niya kaya pala pamilyar si Wigo sa kaniya noon.

Nagbabangayan pa silang dalawa at sa tuwing nagtatagpo ang landas nila ay naiinis siya rito. Subalit kalaunan din naman ay nakasundo rin naman niya si Winona dahil na rin sa mga taong malalapit sa kanila.

Tinanggap niya si Winona sa kompanya niya at ilang linggo lang ang nakalipas ay mas lalong naging malapit sila sa isa’t isa.

Paano kung magising na lang siya na may nararamdaman na pala siya kay Winona?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Imari Nasa loob ako ng maternity hospital na pinamamahalaan ko at kakatapos lang din ng shift ko bilang isang ob-gyne doctor. Habang nakikita ko ang mga masasayang mukha ng mga nanay kanina dahil sa pagbubuntis nila, na-imagine ko rin kung ako ang nasa sitwasyon nila. Lagpas na ako sa kalendaryo at alam ko naman na dapat ay nahanap ko na rin ang lalaking magpapaibig sa akin pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya natatagpuan. I am hopeless romantic and my parents wanted me to get married. Matatanda na rin sila at nais na rin nilang magkaapo sa akin pero ako naman itong nape-pressured. Hindi naman sa choosy ako pero gusto ko iyong lalaking handa akong ipaglaban at hindi tinitingnan ang katayuan ko sa buhay. Hindi pera ko ang hahabulin nila kung hindi ang mismong ako. “Dok, tulala ka na naman. May problema ka ba?” tanong ng nurse kong si Ayesha. “Ayesha, pangit ba ako?” wala sa isip kong tanong din. “Alam ko na iyan. Huwag mo ng ituloy iyan at bumenta na iyan, Dok. Iniisip mo na naman siguro ang laging sinasabi ng mga magulang mo sa iyo na mag-asawa ka na, ‘no?” Nagliligpit na siya ng mga gamit namin sa loob ng clinic at iniayos na rin. “Alam mo, Dok Imari. Hindi ka pangit. Sadyang choosy ka lang talaga sa buhay. But I understand that. Hindi naman pwedeng sunggaban mo ang lahat ng lalaking pinakitaan ka lang ng maganda, bibigay ka kaagad. Darating din naman ang the one mo sa buhay kaya relax ka lang.” May punto siya. Plus one ka naman sa langit, Ayesha. Napangiti ako sa iniisip kong iyon. Kapag ganito na ang mga sentimiyento ko ay alam na agad niya. Matagal ko na rin naging nurse si Ayesha at alam na alam na niya ang mga bagay na ikinalulungkot ko sa tuwing natutulala na lang ako matapos ang routine ko. Isa rin siya sa mga pinagsasabihan ko ng mga tungkol sa personal kong buhay. Wala kasi akong naging kapatid at pili lang ang mga pinagkakatiwalaan ko. “Bumili na lang kaya ako ng lalaki at magpalahi. What do you think?” biro ko. “Dok, desperada na?” Sabay tinawanan niya ako. “Ay, siyangapala. Nakalimutan kong sabihin sa iyo na pupunta pala sina Wigo at Kinne dito para sa check up. Maagang tumawag si Fafa Wigo kaya lang ay nakalimutan kong banggitin sa iyo. Mabuti na lang at naalala ko ngayon at pasensiya ka na sa dami kong iniisip.” “It’s okay. Tapusin ko lang itong nasa table ko at kapag nandiyan na sila ay sabihan mo na lang ako.” “Okay, Dok.” Lumabas muna si Ayesha habang ako naman ay iniayos ang mga files sa table ko at inilagay ko sa cabinet. Nagtimpla na rin ako ng kape dahil maulan ang panahon at malamig sa loob. Maya-maya lang ay muling pumasok si Ayesha sa clinic at nilingon ko kaagad siya. “Dok, nandito na sila.” “Hi, Imari,” bati ni Kinne sa akin na kasunod ni Ayesha na pumasok. “Hello, magandang⸻ay! Kabayo! Susmaryosep!” Muntik kong maibugay ang iniinom kong kape nang gulat na gulat akong makitang dalawang Wigo ang sumunod na pumasok sa loob. Nagpalipat-lipat din ang tingin ko sa dalawang magkamukhang ito habang bakas sa mukha ko ang pagtataka. “Uhm…” Napakamot sa ulo si Kinne. “I-Imari, I want you to meet my husband’s twin brother, Walter or Winona.” “W-What?! T-Twin brother ni Wigo?” Napatitig ako sa ipinakilala niyang si Walter saka ko siya pinasadahan mula ulo hanggang paa. “T-Teka nga lang…” May naalala ako sa lalaking kaharap ko. “Teka nga lang din…” Nakapameywang din si Walter. “Parang namumukhaan kita.” Napangiwi ako nang umakto siyang ganoon at ang boses niyang lalambot-lambot. Hindi ko makakalimutan ang lalaking may abuhin mata na nanligaw sa akin noong high school days ko at binasted ko dahil sa kaartehan ko noon. “Do you know each other?” Wigo asked. “Iniisip ko pa. Wait, kapatid mo itong baklang ito?” tanong ko. “Yeah,” tugon ni Wigo. “Mahabang kwento.” “Siya ba ang doktor mo, sisteret?” tanong ni Walter kay Kinne. “Oo,” tugon din ni Kinne. “Siya si Doctor Imari Villa Acosta. She’s Zack Villa Acosta’s cousin.” Winona flipped his hair in front of me. “Bakla nga ako pero mas maganda naman ako sa iyo, ‘no,” pagtataray niya. “Hoy. Hindi ko alam kung paano mo naging kapatid itong si Wigo na diyos ng Olympus samantalang ikaw ay diyos din ng Olympus ang hanap. Why are you here, huh?! Siguro gusto mo akong makita, ano?” Tinarayan ko rin ang baklang ito na akala naman ay masisindak ako. Infairness, ang gwapong bakla naman niya. Kung straight lang ito ay mas matindi pa ang karisma kaysa kay Wigo. God! Ano ba ang nangyayari sa mundo at naging kakambal ni Wigo ito? “Ambisyosang baklitang ito!” sambit niyang may tonong pagkabakla na naman. “I am here for my beautiful sister-in-law! If I know na ikaw pala ang ob-gyne niya, hindi na sana ako sumama!” pagsusungit niya sabay umirap sa akin. Ngayon ko na napagtanto kung sino ang gwapong baklang ito. “Hoy, Walter Buenavista! Kaya pala pamilyar ang mukha ni Wigo sa akin kasi kapatid ka pala niya! How dare you to say that, huh? Sana hindi ka na lang sumama rito dahil sisirain mo lang ang araw ko!” Nakapameywang na ako. “Katulad ng pagsira mo sa araw ko noong binasted kita! Bruhang baklang ito, kaloka ka!” Narinig kong nagbulungan ang mag-asawa ngunit hindi ko na lang din pinuna. Mas natuon ang atensiyon ko kay Walter dahil hindi talaga ako makapaniwalang naging bakla ito. Malayo sa imahe niya noon. But who knows? Hindi talaga mahuhulaan ang panahon sa tagal naming hindi nagkita. “Tapos iyang hairclip mo, hind naman bagay diyan sa buhok mo! Huwag kang lalapit-lapit dito sa magiging inaanak ko at mahawaan ng kabaklaan mo!” inis ko namang wika. “Kabaklaan na diyosa naman! Inggit ka lang kasi ako, maganda ako! Ikaw, maganda ka nga pero hanggang ngayon wala ka pa rin jowa!” “Ouch!” korong wika nilang tatlo kasama si Ayesha. “Dok, parang ang shaket!” sambit ni Ayesha na nahawa na sa pagiging bakla ni Walter. Masama ang tingin ipinukol ko kay Ayesha ngunit nagbawi rin ng tingin kay Walter. Nagtataka rin ako kung paano nalaman ng damuhong baklang ito na wala akong boyfriend. “Guys, pwede itong tiyan ko muna ang unahin natin? Nagugutom na ako,” sambit ni Kinne sa amin. I rolled my eyes and then I faced them. Hindi ko na pinansin ang kapatid ni Wigo na nanahimik na lang sa sulok. Habang ako naman na inumpisahan na rin ang check up kay Kinne. “So, how’s the baby, Imari?” tanong ni Wigo. Bumaling ako sa kanila. “Wigo, Kinne, I’m so excited to say this. Gosh! Quintoplets ang mga babies niyo!” anunsiyo ko. “Oh, my gee!” Napatayo si Walter sa kinauupuan niya. “Masyadong excited?” bulong ko ngunit napangiti rin ako sa mag-asawa dahil narinig nila ang sinabi ko. Akala naman niya, siya ang tatay. “Congrats, bunso! Sabi ko na ba at isang basketball team agad ang mabubuo mo! I represent myself na mag-alaga sa mga kambal!” masayang wika ni Walter. Bumaling ako sa kinatatayuan niya. “Tuturuan mo lang magiging inaanak ko ng kalokohan kaya lumayo-layo ka sa mga kambal.” “Tse! Judgemental ka naman.” Pinagkrus niya ang mga braso sa dibdib niya. “Inggit ka lang kasi hanggang ngayon single ka pa rin at walang magdo-donate ng twins para sa iyo.” “Tse ka rin! Kahit ikaw na lang ang natitirang magdo-donate ng sperm para sa akin, nevermind na lang. Kahit mabulok na itong bahay-bata ko, kung ikaw lang din, ekis ka na!” “Dok, maawa naman kayo sa mga babies at baka naririnig kayo. Hinay-hinay lang,” saway ni Ayesha sa amin. After that, tumahimik na ako. Tinapos ko na ang examination ni Kinne at nakikita ko naman kung gaano kasaya ang dalawa. Saksi rin ako sa mga naging pagsubok nila sa buhay at kung paano nila ipinaglaban ang batas na binago na nila ngayon. I looked at Wigo’s face and I know he’s very happy. Ang womanizer na ngayon ay nagtino nang dahil sa kaibigan ko. Nakita ko na hinalikan ni Wigo si Kinne sa noo at niyakap nang mahigpit. “How sweet naman,” sambit ko na naswe-sweetan sa dalawa. “Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at magka-baby?” “Until now ba talaga ay wala ka pa rin boyfriend?” Narinig ni Walter ang sinabi ko at umeksena na naman siya. “Wala. Ikaw na nga ang nagsabing wala akong jowa. Hindi na yata ako isinama sa listahan ni Lord na mag-asawa.” Hinarap ko siya. “Teka nga pala. Paano mo nalaman na wala akong boyfriend, ha?” I stared at his damn hot but intimidating steel-grey eyes. “Narinig ko lang kay Kinne. Pihikan ka kasi kaya tuloy tinanggal ka sa listahan ni Lord.” “Ay, baklang ito! Ang sama ng ugali! Gusto mong indyektiyunan ko iyang bayag mo?!” asik ko sabay ipinakita ko ang syringe na hawak ko. “Hoy!” Sabay tinakpan ni Winona ang hinaharap niya sa ibaba. “Virgin pa ako!” Nagtawanan na lang sila sa inakto naming dalawa ni Walter. Sa loob-loob ko rin ay hindi ko rin maiwasang matawa sa kabaklaan niya. Lalaki naman siyang manamit at kung hindi lang talaga siya magsasalita ay hindi malalaman ng mga taong hindi siya kilala na beke siya. Maliban na lang sa kulay pink na ipit sa buhok niya. Nagpaalam na rin sila matapos ang check up at malaki ang pasasalamat ko dahil nawala na rin sa paningin ko ang maharot na baklang Walter. Subalit hindi naman ako nakaligtas sa pangungulit sa akin ni Ayesha tungkol sa kaniya. “Dok, seryoso ka ba talagang dating nanligaw iyon sa iyo? Grabe! Hindi rin ako makapaniwalang kakambal iyon ni Wigo. Sayang at gwapo pa naman ang isang iyon pero kaya lang ay paminta pala,” usisa niya. “Totoong nanligaw iyon sa akin,” pag-amin ko naman. Inaayos ko na ang mga gamit ko para tumungo sa opisina ko sa Biopharma. “Mabuti na lang at hindi ko sinagot ang isang iyon dahil espada rin pala ang hanap.” “Eh, bakit parang galit ka sa kaniya? Bakit parang may bitterness?” Bumuntong hininga ako. “I’m not bitter, okay?” No choice ako kung hindi ang ipaliwanag kay Ayesha ang tungkol sa amin ni Walter. “High school days ko sa isang girl school noon nang ligawan ako ni Walter. Magkatapatan lang kasi ang school namin. Hindi naman sa choosy ako pero ayoko sa kaniya noon dahil patpatin siya. Though, magaganda ang mga mata niya pero hindi ang katayuan niya sa buhay. “Feeling ko kasi kapag naging kami ay baka hindi lang ako ang gusto niya. Natakot kasi ako noon dahil may naging boyfriend ako bago siya na peneperahan lang ako. Nagpapabili ng mga ganito, ganiyan. In short, nadala na ako kaya siguro naging ganito ako ngayon. “Mainit ang ulo ko nang mga araw na iyon at dumagdag pa ang pagiging makulit ni Walter. Nasira niya lalo ang araw ko kaya hayun, binasted ko na. Wala pa naman akong masyadong alam sa love noon kaya imbes atupagin ko ang pagbo-boyfriend ay nag-aral na lang ako. Until today, sa pag-focus ko sa mga negosyo ng pamilya, hindi ko na naisip ang sarili ko.” “Ah, I see. Ngayon alam ko na. Pero may sparks kayo, Dok. Baka siya talaga ang inilagay sa listahan ni Lord para sa iyo.” Humagikhik siya. “Ha?!” Napanganga ako. “Ang baklang iyon?! Eh, maarte pa sa akin iyon! My god, Ayesha! Malakayas na nga!” Sabay hablot sa shoulder bag ko, nag-flipped ng hair na parang si Walter at naglakad palabas ng clinic. “Bye, Dok. Ingat si Walter sa iyo!” “Tse!” tugon ko sa kaniya sabay umirap. Narinig ko na lang ang pagtawa niya bago ko isara ang pinto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook