"Ang aga aga nakasimangot kana chubs?" Napalingon si Carol kay Gavin ng yakapin siya nito. Kasalukuyan siyang nagtetext kay Lynette "Nakakainis kasi si Lynette eh" "Why?" Inayos ni Gavin ang mga hibla ng kanyang buhok sa kanyang mukha "Nakita niya daw ako sa coffee shop kagabi.. Nagtatampo siya sakin dahil hindi ko raw siya pinansin.. Eh diba maaga tayong natulog kagabi?" "Hmmm baka kahawig mo lang?" "Kaya nga eh.. Sinabi ko na nga sakanya. Kaso ayaw niyang maniwala nagtatampo siya sakin" Napalabi siya dahil nalulungkot siya ayaw niya yung pakiramdam na may nagtatampo sakanya "Don't be sad.. Nagiging dalawa tuloy yung chin mo oh?" Pang aasar nito sakanya at kinurot pa ang doble chin niya "Bwisit ka.. Di ka nanaman makapag pigil sa pag pikon sakin no?" Inirapan niya ito "Sungit n