Nabalitaan ni Carol ang ginawa ni Gavin kay Brent at Maricel dahil ikinuwento iyon sakanya ng kanyang Tita Guada. Balitang balita daw iyon dahil sa mga chismosong body guards nito Sa totoo lang kung siya ang nasa sitwasyon hindi lang pag sapak ang gagawin niya kay maricel kakalmutin niya ang mukha nito hangang sa wala ng matirang balat. Hehe pero siyempre hindi naman siya ganon kasama. Ipagpapasa-Diyos na nalang niya ang mga ginawa nito saknya Hindi niya padin magawang patawarin si Gavin dahil naiinis siya dito.. Pinahirapan siya nito ng sampung buwan! Hindi man lang muna siya kinausap para maging malinaw ang lahat "Alam mo kasing haba ng MRT yang nguso mo" inirapan nalang niya si Lynnette sa kanyang tabi.. Katrabaho niya ito sa bago niyang trabaho bilang receptionist sa Makati.. Kaya